ILANG LINGGO na lamang at tapos na ang bakasyon, tapos na ang summer, pasukan na naman, o kay bilis naman ng panahon. Ready ka na ba sa First Day? Siyempre hindi mawawala ang mga excited na pumasok at hindi pa.
Iba sa atin ay excited na sa darating na pasukan dahil ayaw na maging Team Bahay, tipong tambay sa bahay, kain, tulog, internetm, at ang iba naman ay ayaw pa dahil gigising na naman ng maaga, hello assignments, hello projects ulit. Para sa iba siyempre, maraming dahilan para maging excited na sa pasukan sa June.
Una ay siyempre pasukan na, hindi mawawala ang baon, NBSB (No Baon Since Bakasyon) eh, ‘di NBSB no more dahil pasukan na naman at ang iba hihirit pa ng increase sa baon. ‘Yung iba naman be like: back to school, back to search for campus crush, na tila makikita na naman nila ang crush nila tapos kapag nag-Hi ka naman, na si-seen zone ka nila tipong hashtag AraykoBeh, mag-aral muna, mahal ang tuition.
At siyempre excited bumili ng bagong gamit, bagong bag, mga notebook, pencil case, ballpen, pencil, na tila first day of class ay kumpleto lahat sa gamit, matapos lang ang ilang linggo ay kulang-kulang na, ingat-ingat din ng gamit.
Dahil malapit na nga ang pasukan, excited na ring makita ang mga barkada, tropa, mga kaibigan, bff, mga mag-bf/gf at hinihiling na sana nga ay nasa iisang section para magkakaklase pa rin at siyempre first day na first day tila after class ay may plano na agad silang mga bonding moment.
Mayroon din na excited at the same time ay kinakabahan tila kung sino kaya ang adviser o professor, sana ‘di terror. Mayrooon din ang lyrics ng First Day High ang peg, tila nasasabik sa unang araw ng eskuwela, sana may magandang makatabi at may bagong kaibigan pagkatapos ng klase.
Sa unang araw ng klase ay ‘di rin mawawala ang mga linya sa first day ng klase na “klasmeyt pengeng papel”, “pahiram ng ballpen”. First day na first day walang papel, walang ballpen? Eh, ‘di wow! Pero siyempre, be generous din, pero sa isa naman, dala-dala rin ng papel at ballpen kahit first week lang.
‘Di rin mawawala ang mga kinakabahan sa first day na tipong lahat ng kaibigan mo nasa isang section at ikaw lang ang nahiwalay. Ang saklap, pero be friendly pa rin, kaibigan, dahil masaya nga kapag marami kang nakikilalang kaibigan. Dahil first day nga, hindi rin mawawala ang “introduce yourself” na tipong ‘yung iba bago ang araw ng pasukan ay nagsusulat na ng script at kakabisaduhin, at ang iba naman ay haharap sa salamin at prapraktisin ang sasabihin.
Ito ang ilang mga moment kaya nae-excite pumasok ang iba, at ang iba naman ay hindi dahil tila ayaw pang matapos ang summer, dahil sila ay nabibitin pa sa bakasyon. Pero siyempre, kahit anong rason pa man ang nagpapa-excite sa atin, pumasok na o hindi pa, huwag nating kalimutan na mag-aral nang mabuti para sa ating mga magulang, pahalagahan natin ang ating pag-aaral dahil ang edukasyon talaga ay ang key to success.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo