NAGING very successful ang first ever concert ng all-male group na Clique5 billed “Clique5 Live!” na ginanap sa Music Museum last Feb. 27. Napuno ng fans ang concert goers ang venue and they were very satisfied sa kanilang napanood.
To set the mood, the show started with a very sexy dance number from the all-female group Belladonnas na ala-Moulin Rouge ang dating. Sinundan ito ng version ng Clique5 ng Queen’s popular song na Bohemian Rhapsody.
Sa unang performance palang ng Clique5 ay pinatunayan na agad nila kung gaano katalas ang kanilang tenga para mai-harmonize nang maayos ang Bohemian Rhapsody.
Nagkaroon din ng solo song number sina Rocky, Marco at Clay bukod pa sa duet nila with special guests singers.
Applauded ang duet ni Clay with Rita Daniel ng kantang Perfect ni Ed Sheeran. Emotional naman ang rendition ni Rocky ng hit song ni Moira dela Torre na Malaya kasama si Hanna Priscillas. Walang takot namang nakipagsabayan si Marco ng kantang True Colors sa seasoned singer na si Marion Aunor.
Bukod sa mga song numbers, nag-enjoy din ang audience sa dance number nina Josh, Karl at Tim.
Literal na nag-init naman ang stage sa super-hot and sexy dance number ni Sean with Arny Ross to the tune of Grenade ni Bruno Mars.
Humataw din ang Clique5 ng sayaw ng mga 80s dance hits like Macarena, Lick it, I Saw The Sign, etcetera, na naging dahilan para maging wild ang audience at magsayawan.
Of course, kinanta ng grupo ang kanilang mga original songs na Ako Na Lang Sana, Sana Naman at ang carrier single nilang Puwede Ba, Teka Muna.
Bukod kina Rita Daniela, Arny Ross, Hanna Priscillas at Marion Aunor, naging special guests din sa concert sina Sheree, Sexbomb Cheche, Mia and Aira with Sexbomb New Gen.
Nagkaroon din ng special production number ang choreographer ng Clique5 na si Coach Donald kasama si Teacher Mia na dance coach naman ng Belladonnas
Sa kabuuan, very entertaining ang concert at ang taas ng production value. Ang ganda ng technical direction at super impressive din ang lighting.
Congratulations, guys! Your management, ang 3:16 Events and Talent Management, ay very proud sa inyong lahat.
La Boka
by Leo Bukas