ANG HIRAP PALA ng buhay ng mga baguhang indie film producers and directors dahil kapos sila sa kanilang mga budget.
Tulad sa kaso ng first time film director na si Direk Sonny Calvento, aminado siya na hanggang leeg na ang stress niya sa pagbubuo ng kanyang pelikulang “Nabubulok” na isa sa mga official entries para sa Cinemalaya 2017 na pinagbibidahan ng mga magagaling na artista tulad nina Gina Alajar, Bembol Roco Jr, JC Santos, Jameson Blake at ng indie film actress na si Ella Yu who plays wife to JC sa pelikula tungkol sa isang missing woman at ang paglalakbay kung paano nadiskubre ang nawawalang babae sa katauhan ni Gina.
Hirap si Direk sa pagbubuo ng pelikula niya. “We only have a budget of P750 thousand pesos.na bigay ng Cinemalaya Foundation. Kulang na kulang po talaga kaya we need to scout for sponsors para makatulong sa pagdudugtong ng mga expenses for the movie.
“Kaya nga dahil sa kakulangan ng fundings, pati publicity ng movie namin ay napapabayaan na. Kami-kami na lang po gumagawa. Mabuti po na may mga mababait na mga tao who came to the rescue to help us promote the film.
“Tonight (August 5, Saturday) my film will have a gala premiere at the CCP Main Theater at 6:16 PM,” kuwento ni Direk sa amin.
Sa mga hindi makakapanood mamaya, may mga pagkakataon pa sila to catch the movie sa mga ibang regular theater schedules.
As backgrounder, Direk Sonny is a scriptwriter sa Star Creatives unit ng ABS-CBN.
“Actually nag-workshop po ako for film noong 2015 kasi fan na po ako ng Cinemalaya since college pa po ako. Tsaka break lang siya sa pagsusulat ko sa TV, kasi siguro, parang gusto ko lang mag-try ng iba. Kaya tinry ko itong film and sinuwerte naman po na nakuha siya for Cinemalaya 2017,” pagkukuwento nito.
Ang unang pelikula ni Direk Sonny ay impluwensya malamang ng ama niya na si Tony Calvento na isa sa mga hard-hitting and investigative journalist sa mundo ng panulat sa Pilipinas
Based sa kuwento na narining niya kaya nabuo ni Direk ang pelikula.
“Mahilig po kasi ako sa crime film. Nung narinig ko po ‘yung kwento nito, sobra po akong naapektuhan na parang na-feel ko na ito yung tamang material na isulat para sa pelikula,” saad niya.
For updates ang schedule screenings of “Nabubulok”, please check their Facebook page (https://www.facebook.com/nabubulok/).
Reyted K
By RK Villacorta