Flop ang movie nila ni Ai-Ai delas Alas
Marian Rivera, malas talaga sa takilya!

Marian-RiveraSI MARIAN Rivera ang sinisisi sa hindi pagkita ng Kung Fu Divas. Sinasabing more than P32 million lamang ang kinita ng nasabing movie and if we go by that figure, hindi nga masasabing box-office hit ang unang pagsasama nina Ai-Ai delas Alas at Marian.

Marami tuloy ang nagsasabing jinx si Marian when it comes to box-office. Wala kasi siyang hit movie to her credit. Wala pa kaming nabalitaang movie niya which hit the P100 million mark.

With the disappointing result of Kung Fu Divas sa box-office ay malabong makipagsosyong muli si Ai-Ai kay Marian o magsama sila sa isang movie.

Hindi puwedeng isisi kay Ai-Ai ang pagbagsak ng pelikula sa takilya dahil kilalang box-office queen ang Concert Comedy Queen, ‘no!

Marian-Rivera

PINAGLARUAN SI Mo Twister sa isang website. “Pinatay” kasi ang mataray na radio and TV host sa isang article na lumabas sa Alternative News Filipinas recently.

“Mo Twister, the controversial disc jockey died last night at 11:30 pm at South Superhighway when his car crushed with another vehicle. He was sent to the nearby hospital but died even before arrival. According to the witnesses, he was allegedly drunk because he was driving naked. He died with his shrinked penis exposed,” sabi sa report.

“Mohan Gumatay in real life, is best known for his Good Times programs, which started as a Radio Show and spun off into TV and Internet. Recently, he slammed Miss Philippines Universe 2013 Ariella Arida over a comment she made about Latinas in beauty pageants.

“His remains lay in Villa Funeraria along Joker Street in Balete Drive, Quezon City. It shall be open to public viewing…Rest in peace, Mo Twister!” dagdag pa ng report.

Obviously, nakarating na kay Mo ang article and his only comment was, “Writer…um, it’s “crashed” with another vehicle. Not “crushed.”

Meron naman isang nag-comment na “ganti ito ng mga supporters ni Ara dahil sa pamba-bash ni Mo sa Com skills ng ating bet sa MU.”

The guy was referring to Ariella Arida, ang bet natin sa Miss Universe na tinarayan ni Mo nang malaman nitong sinabi ng dalaga na ang mga Latinas ay hindi naman marunong mag-Ingles.

MAGTATAPOS NA pala next month ang Kahit Nasaan Ka Man na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. Masyadong mababa ang rating ng nasabing soap ng GMA-7 kaya naman daw goodbye na sa mga fungi ang drama nito sa ere.

Naku, parang hindi naman naramdaman ang soap na ito nina Julie Anne at Kristoffer, parang kidlat lang silang umapir sa ere tapos wala na. Hindi raw makasabay ang soap sa katapat nitong teleserye sa Dos.

Aba, eight weeks lang daw ang show sa ere tapos nasa chopping board na kaagad ito. Merong isang nagmaganda at nagsabing talagang eight weeks lang ang itatagal ng nasabing soap. Ito raw ang sabi ni Suzette Doctolero. Parang ngayon lang kami nakarinig ng isang teleserye na hanggang eight weeks lang ang itatagal.

Teka, hindi ba’t mababa rin ang rating ng Genesis, pero bakit parang pangmatagalan ito sa ere? Dahil ba King of Primetime ang bida?

Eh, ang daming kapit-bahay namin ang nagsasabing ubod daw ng pangit ang soap na ito ni Dingdong Dantes.

MARAMI PALA ang nababaduyan sa Buzz ng Bayan. Many people in the social media are against the show and they articulated this through comments.

“Ibalik n lang kc ang the buzz. At ivalik ang dating mga host. Ndi cla bagay ok. S drama n lang sila,” one guy said.

“Ok naman yung the buzz ah! Bakit pa nila pinalitan? Ndi q nagustuhan bago nilang show! The buzz nlng sana ulit,” pagse-second the motion naman ng isa pang guy.

“Dapat lang na tanggalin na ang show na yan….di maganda sa masa,” sabi pa ng isang ayaw sa show.

Naging parang palengke na rin daw ang show, parang walang wawa at nagpipilit magpakamasa.

We have not seen its pilot episode, so we can’t comment on the show.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDennis Trillo, takot nang magkamali sa pag-ibig
Next articleGlenda Garcia, stage 2 na ang breast cancer!

No posts to display