Focus: Automated Poll Dancing

Focus
by E.S. Capo

Matapos busisiin at kuwestiyunin, naipasa na rin ang P11.3 bilyong pondong kailangan ng Commission on Elections (Comelec) para sa bonggang-bonggang automation ng 2010 National Elections.

Iiwan na nga ng ‘Pinas ang mano-manong pagboto, at panahon na rin naman siguro na sumabay tayo sa pag-abante ng teknolohiya sa mundo. ‘Yun nga lang, kailangan pa ring maging maalam at mapagbantay ng publiko lalo pa’t first time ito sa kasaysayan ng bansa.

Marami ang umaasang magiging matagumpay ito, lalo na sa pangako ng awtoridad na hindi man fool-proof ang sistema, mas maliit naman ang tiyansang makapandaya rito. Aba, dapat lang tiyakin ng Comelec na handa sila rito. Mahirap naman kasing pumalpak sa mismong araw ng eleksyon ‘no?!

Tandaan, boto ng taumbayan ang nakasalalay dito, at hindi tulad ng pole dancing na pwede kang mag-take two kung dumulas ang pagkakakapit mo, nakataya ang kinabukasan ng taumbayan dito.

Previous articleRamon Revilla, King of Cavite
Next articleSARAH AND JOHN LLOYD: BOX OFFICE ROYALTIES

No posts to display