Kinabog na naman ng Senators of the Philippine Islands ang Session Hall ng Senado matapos ang mainit nilang pagtatalo na tinangkang awatin pero nauwi pa sa mas matinding pagtatalo.
Unang nagsagutan sina Senate Ethics Committee Chair Ping Lacson at Sen. Alan Peter Cayetano. May i-tanggol kasi si Cayetano laban sa umano’y maling proseso ng komite sa pagdinig sa complaint laban sa kaalyado niyang si Sen. Manny Villar. Ang churva naman ni Gentleman from PMA, bakit inilabas sa media ang draft ng order ng gaganaping pagdinig gayung draft pa lang naman daw ito. Todo-depensa naman si Sen.Jinggoy Estrada at sinabing inilabas niya ang order pero wala naman siyang malisyosong intensyon o anuman, at para lang ito sa information ng marami.
To complete the act, iniabot pa ni Lacson kay Villar ang envelope na naglalaman ng aniya’y totoong order ng investigation ng komite. Pero ibinagsak lang ito ng Hari ng OFW sa kanyang table.
Super-awat naman sina Senate Minority Leader Nene Pimentel at Senate President Juan Ponce-Enrile. Pero dahil siguro sobrang init na sa loob ng Session Hall, eh, sila mismo, nadala sa height ng kanilang kumukulong emosyon. Kaya sa huli, ang mga umaawat, eh, siyang inawat. Huh?! ‘Hanlabo?!
by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires