Windang ang Kongreso ngayong madaragdagan sila ng mga kabaro. Bukod kasi sa hindi nila alam kung saan hahagilapin ang pondo, hindi rin nila alam kung saang parte ng opisina isisiksik ang karagdagang 32 party-list reps.
Pero ang mas kabog na isyu, ipino-protesta ng ilang kasapi nito ang pagkakaluklok sa puwesto ni Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan – ang kontrobersiyal na military man na binansagang ‘The Butcher’ o ‘Berdugo’ ng mga human rights activists.
Si Palparan ang itinuturo ng mga aktibista na utak sa daan-daang kaso ng human rights violations partikular na sa Timog Katagalugan, Eastern Visayas at Central Luzon. Ipino-protesta ng mga aktibistang grupong Gabriela, Bayan Muna, at iba pang kaalyado nito ang pagpasok ni Palparan sa Kongreso. Dahil diumano, hindi naman representasyon ng marginalized group ang party-list na Bantay, isang grupong kontra-komunista.
Samantala, hindi naman ikinakaila ni Palparan na kinarir niya ang trabahong iniatang sa kanya – ang pag-igtingin ang counter-insurgency measures ng pamahalaan.
Hmmm….Paano na ‘yan ‘pag nagkatabi ng upuan sina Satur Ocampo ng BAYAN at ang military men na kanyang kinaiinisan?? Sana lang walang maganap na ‘butcheran’ dahil kung hindi, gulo in the House na naman!!?
by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires
Click photo to enlarge.