“Hindi naman kami presinto, bakit sa amin ka nagpapaliwanag?” sabi ng mahiwagang kamay kay Sen.Panfilo Lacson matapos ang sunud-sunod nitong pananalag sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Dacer-Corbito double-murder case.
Nobyembre 2000 nang matagpuan ang sunod na bangkay ng PR Man na si Bubby Dacer at ang drayber nitong si Emmanuel Corbito. Bagama’t naisampa sa korte ang kaso, hindi pa rin malinaw kung sino talaga ang may pakana nito.
Samantala, nauna nang nag-file ng extradition case ang gobyerno sa Estados Unidos para mapabalik sa bansa ang mga umano’y sangkot sa kaso na maaring magbigay-linaw sa kung sino ba ang may pakana ng karumal-dumal na krimen – sina dating police superintendent Cesar Mancao, Glenn Dumlao at Michael Ray Aquino.
Nagkarambula nang sabihin ni Justice Secretary Raul Gonzales na nakatago sa isang vault sa Department of Justice ang affidavit ni Mancao na nagsasangkot sa ilang opisyal ng gobyerno. Hindi naman pinangalanan kung sino ang mga opisyal na ito, pero na-windang ang mga miron sa super mega over sa bonggang-bonggang pananalag ng ating bidang Senador.
Hmmm…Gentleman from PMA, bakit nga ba super-react ka, eh, wala pa namang pangalan kung sino talaga ang may sala, at wala pa rin namang summon na nagmumula sa korte para magpaliwanag ka?! In short, bakit ka pumipiyok kung hindi naman ikaw ang umutot?!
by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires