Let’s party ang moda ng House of Representatives ngayong pinagdesisyunan ng Korte Suprema na dagdagan ang bilang ng Partylist Representatives sa ating Lower Chamber.
Ang kasalukuyang 22 seats na okupado ay madaragdagan ng 32 additional seats para mabuo ang 55 seats o 20 percent ng kabuuan ng Mababang Kapulungan.
Karambola ang reaksyon ng mga mambabatas sa naturang ruling ng Korte Suprema. Kasi raw, hindi malinaw kung paano ito ire-reconcile sa itinakdang 250-limit of seats ng Konstitusyon. Kung idaragdag kasi ang 32 sa kasalukuyang 238 members, eh, 270 na ang tutal.
Whew! Bukod pa sa isyu ng legalidad, pino-problema rin ng mga mambabatas kung saang bulsa ni Juan kukunin ang pondong kakailanganin ng mga madaragdag na mambabatas. Hindi pa rin magkamayaw kung saan ipupuwesto ang mga utaw at ang magiging alepores nila dahil wala na raw espasyo sa building ng Kamara.
My my ateh!? You better party na lang, dahil kahit siksikan at waterfalls na ang inyong mga kili-kiling pawisan, kering-keri lang. House party nga eh….
by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires