“Daig ng maagap ang masipag,” kaya naman kahit malayo pa ang 2010, on the go na ang election machinery ng mga opisyal nating gustong kumandidato sa Elections 2010.
Pagkatapos maisabatas ang P11.3 bilyong Supplemental Budget ng Commission on Elections, abala naman sila ngayon sa pagpili kung anong kumpanya ang magsusuplay ng voting machines at ballot counters. For the first time kasi in Philippine History, automated o computerized ang election na inaasahang magpapabilis at magpapababa sa bilang ng mga reported election fraud.
Samantala, mas maaga na ang deadline ng pagpapasa ng certificate of candidacy. Sa halip na Marso bago ang May 2010 Elections, eh, Nobyembre na ng kasalukuyang taon.
Hmmm…kaya siguro nagmamadali sa pagtakbo itong mga mambabatas natin, eh, dahil takot silang maiwanan ng election wagon. Watdyatink?!
by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires