Tapos na ang Fire Prevention Month, pero ang Lower Chamber of the Philippine Congress o more popularly known as the House of the Representatives, eh, on fire pa rin.
Mainit-init pa sa adobong mani at sa sikat ng araw ang loob ng Plenary Hall dahil sa kumukulong emosyon ng mga kinatawan ng Kongreso. Kumpol dito, kumpol roon. Bulungan sa sulok, sigawan sa podium. Miting-mitingan sa lamesa, miting-mitingan sa isang sulok, at siyempre, hindi mawawala ang mala-Cicero pananalumpati with matching papers at kumpas ng kamay. May galit, may nagpapaliwanag, may nagtatanong, may kumukontra sa tanong bago pa man ito masagot.
Ilang sesyon na rin kasi’ng nauuwi sa mainit na pagde-debate dahil nasobrahan yata ang pagiging dinamiko ng ating Kongreso.
Una na riyan ang isyu ng karagdagang party-list representatives na hindi malaman kung saan pa isisiksik sa puno na raw nilang building. Pinag-uusapan rin ang positioning ng mga newbies. Ang ilan kasi, eh, hindi sila feel katabi kaya kung makakaiwas, eh, sa ibang upuan na lang ilagay ang kanilang mga kaaway.
Dagdagan pa natin ‘yan ng hindi pa rin mamatay-matay na isyung Charter Change o Constitutional Assembly o Fourth Mode eklabu. Samahan mo pa ng panghimagas na awayan ng Senado at Kongreso kaugnay raw umano ng pagpupumilit ng mga Kinatawan na iabante ang ganitong resolusyon without the participation of the senators.
Hay Hay Hay! Dear Legislators, ok lang mag-away ha…basta siguraduhin lang na pagkatapos ng away ay may resolusyong para sa ikabubuti ng sambayanan. Pangit naman yatang puro away lang habang ang mga tao, eh, nagugutom sa pansitan!
by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires