AYON SA Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) First Consumer Financial Survey ( CFS 2009), ang pagkain at inumin na tampok sa bahay ang bumubuo ng isang average na 38.5 % ng taunang budget sa sambahayan.
Marahil dahil marami sa atin ang busy sa trabaho, minsan hindi talaga natin napagpaplanuhan ang budget natin pagdatin sa pagkain. Marami sa atin ay mas gustong kumain sa labas nang madalas kaysa magluto sa bahay. Marami rin sa atin ang mas gugustuhing bumili ng junk food kaysa kumain ng mga masusustansiyang pagkain. Ito ay iilan lamang sa mga purchasing habits natin sa pagkain na puwede nating i-improve.
Siguro ang isa sa mga best examples ng pagkain pera tips ay ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Alam n’yo ba nung si Rizal ay nakatira sa Europa ay kumakain lang siya ng “regular” meal ng isa o dalawang beses lang sa isang araw. Para magtipid, dun sa isang meal ay kakain lang si Rizal ng biskuwit at chaa, kaya nakita n’yo naman ang tiyan ni Rizal kasing slim at kasing sexy ng tiyan ni Senator Ping Lacson!
Ang kasalukuyang column na ito ay nakatutok sa mga medyo mga malikhain na pmamaraan upang makatipid sa mga gastusin natin sa pakgain
ACTION STEPS
- I-recycle ang mga lumang pagkain. Maraming pamamaraan kung saan ang ating mga tira-tira ay maaring i-recycle. Halimbawa, kapag mayroon tayong tira-tira na friend chicken, maari nating i-recycle ito bilang chicken adobo. Kung merong mga tira-tirang gulay at konting ulam, puwede tayong gumawa ng chopsuey o pakbet. ‘Yung tira-tirang kanin ay puwede i-recycle bilang fried rice para sa almusal kinabukasan.
- Sa halip na kumain sa labas, ay kumain na lang sa bahay. Kung gusto n’yo ng ambiance ng isang restaurant, maaari n’yong magawa ito sa pamamagitan ng pagtugtog ng paborito n’yong music habang kayo ay kumakain, pagpapaganda ng iyong dining area at ng inyong mga kubyertos, at siyempre, pagkakaroon ng masayang kuwentuhan kasama ang iyong mga kapamilya at mga kaibigan.
- Merong isang nakatutwang advertisement ngayon ang Fita biscuits, kung saan meron isang office-worker na nikakawan ng kanyang Fita. Nang makita niya ang kanyang mga kaopisina na may mga Fita, agad-agad na nilagyan ng mga katrabaho niya ang kanilang mga Fita ng mga abubot para lang hindi sila mapagbitangan na nagnakaw ng Fita niya. Siguro isa sa mga side lessons na maaari nating mapulot sa advertisement na ito ay maari tayong lumikha ng sari-saring mga receipe sa isang napakasimpleng produkto – ang Fita biscuit. At kung ano ang puwedeng gawin sa fita ay puwedeng gawin sa ibang pagkain. Halimbawa, nasubukan na ba ny’o na bumili ng plain na pizza at lagyan ito ng bagoong? O kaya kumain ng kanin na French fries ang ulam na may kasamang catsup? Mag-eksperimento kayo! Tingnan n’yo kung ano sa mga affordable experimental dishes n’yo ang ok sa inyong panlasa at idagdag ito sa inyong regular na mga lutuin.
- I-maximize ang inyong mga cooking ingredients sa pamamagitan ng pagluto ng maramihan imbis na patingi-tingi.
- Magbaon ng snacks at pananghalian, imbis na bumili ng pagkain kapag nasa opisina o sa paaralan.
- Ayusin, linisin, at suriin nang madalas ang iyong refrigerator. Lalung-lalo na kapag malaki ang ating ref. Minsan nakalilimutan natin na meron pa lang naitago na pagkain sa mga sulok-sulok nito na hindi natin nakikita nang madalas.
_____________________________________________
Si Joel Serate Ferrer ay co-author ng bestselling book na PAANO YUMAMAN: 50 PERA TIPS TO MAKING AND SAVING MONEY. Ang libro na ito ay currently available sa National Bookstore, Pandayan Bookshop, at iba pang mga tindahan.
Pera Tips
by Joel Serate Ferrer