LIKAS NA sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag – sa pag-aaral man o sa trabaho, dahil tayo’y laging positibo na may darating na maganda para sa atin sa hinaharap. Dito ako sumasaludo sa ating mga kababayan, mga taong may paninindigan, prinsipyo at dignidad para maiangat ang sarili, ang pamilya at pati na rin ang bansa.
Ngunit sa hamon ngayon ng buhay, hindi maiiwasan na sa sobrang pagkayod ay hindi namamalayang napapabayaan na pala ang kalusugan. At dito’y naniniwala ako sa ATC MULTI-VITAMIN, na sigurado akong makatutulong sa mga taong napababayaan na ang kanilang pangangatawan.
Naglalaman ang ATC MULTI-VITAMIN ng vitamins, dietary minerals at iba pang nutritional elements na nakatutulong hindi lamang sa pagpapalakas ng ating katawan kundi pati na rin sa pagpapatalas ng ating isipan. Tumutulong din ito sa pagkundisyon ng puso at ng ating nervous system, nakababawas ng tiyansa ng pagkakaroon ng cancer at nakatutulong sa pagtalas ng ating mga mata.
Personal kong iniinom ang ATC MULTI-VITAMIN dahil subok ko na ang kakayanan nitong palakasin muli ang aking pangangatawan matapos ang isang napakahabang araw.
ISA RIN sa mga supplement na garantisadong makatutulong sa pagbalik ng ating magandang immune system ay ang COENZYME Q10 – Q na ang ibig sabihin ay quinone chemical group at 10 para sa bilang ng isoprenyl chemical sub-units nito. Napatunayan pa ang positibong epekto nito nang maging 3rd most sold dietary ingredient ito sa United States.
Sa pag-inom ng COENZYME Q10 dalawa o tatlong beses sa isang araw, makatutulong ito sa pagbaba ng posibilidad ng pagkakaroon ng high blood pressure, heart failure, Parkinson’s Disease, migraine at breast cancer. At nakatutulong din ito sa mga taong gustong mabawasan ang kanilang timbang.
USO RIN ngayon ang pagkakaroon ng sipon at ubo na kung tutuusin ay isa lamang common na sakit ngunit malaki ang nagiging epekto sa ating pagta-trabaho o sa pag-aaral ng mga estudyante. Kaya naman para makaiwas ako sa pag-atake ng sipon at ubo, umiinom ako ng ATC VITAMIN C para agad na pigilan ang pagdapo ng flu.
Ang Vitamin C, L-ascorbic acid o L-ascorbate ay isang antioxidant na tumutulong na ilayo ang ating katawan sa oxidative stress. At ayon sa mga eksperto, ang Vitamin C ang pinaka-safe at pinaka-epektibong nutrient upang maprotektahan ang ating kalusugan sa common cold.
Sa pag-inom ng ATC VITAMIN C isang beses sa isang araw, inilalayo rin nito ang ating katawan laban sa immune system deficiencies, cardiovascular disease, prenatal health problems, eye disease at pati na rin ang pagkakaroon ng wrinkles. Mayroon din itong anti-oxidant properties na tumutulong maiwasan ang stress.
Paalala lamang na importanteng bumili lamang tayo ng ATC Healthcare Corporation products sa mga kilala at mapagkakatiwalaang mga botika. Talamak na ang pamemeke ng gamot ngayon at para makasigurado, tanging sa mga authorized na botika lamang tayo bumili ng mga food supplements at gamot ng ATC Healthcare Corporation.
Ang inyong lingkod ay mapakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00pm. Ito ay kasabay na mapanonood sa AksyonTV Channel 41. Sa mga nais magsumbong o magreklamo, magsadya lamang sa WSR Action Center na matatagpuan sa 163E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City. O hindi kaya’y mag-text sa aming text hotline sa 0949-4616064.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa T3 Reload, Lunes hanggang Biyernes, 5:30–6:00pm sa TV5.
Shooting Range
Raffy Tulfo