MAHILIG KA bang mag-foodtrip kasama ang iyong pamilya, kaibigan o ka-ibigan? Tara na at pumunta sa mga restaurants sa Kapitolyo, Pasig City.
Tinaguriang food capital ang Kapitolyo sa Pasig City dahil sa mga sandamakmak at kabi-kabilaang restaurants ang mga makikita at maaaring kainan natin dito. Iba-ibang klaseng mga masasarap na pagkain ang ino-offer nila rito at siyempre may mga deserts din at mga pagkain din na sine-serve nila na hango sa mga pagkain sa ibang bansa, tulad ng pagkain sa Vietnam, Filipino-mexican dishes at iba pa, masarap na, at mura pa, saan ka pa?! Kaya tara na sa mga kainan sa Kapitolyo sa Pasig.
Ito ang ilan sa mga best na kainan sa kapitolyo: Joe’s Meatshack, Juanito’s Bistro, Gostoro PiriPiri Chicken, Banoi’s, Open Kitchen, Silantro Mexican, Poco Deli, Mad Mark’s, Nav Modern Thai Cuisine, Ninak Asia comfort food, Café Juanita, Kainan Au Gusto, Charlie’s Grind and Grill, Haru Sushi Bar and Restaurant, Tipsy Pig, Black Oliver Cerveseria, at Nomama Ramen. Anu-ano kaya ang mga best-seller nila na pagkain at magkano?
Sa Gostoro PiriPiri Chicken, ang piri piri o peri peri ay pepper na kasama sa pag-marinade ng chicken bago prituhin. I-try ang kanilang half and half sa halagang P750, kasya na sa inyong tatlong magkakaibigan.
Sa Banoi’s ang mga dishes nila ay hango sa Vietnam. I-try natin ang kanilang Goi Cuon at Bo Luc Lac na sulit at masarap.
Sa Silantro Mexican ay nagse-serve ng Mexican dishes at ina-adopt din nila ang ating Filipino dishes. I-try natin ang Grilled Mahi-mahi sa presyong P165, maraming flavors na lahat ay sulit. I-try din ang Silantro’s pork ribs sa presyong P195 ay napakasarap.
Sa Poco Deli, ating subukan ang Spanish Callos sa presyong P320 ,medyo mataas pero hindi masasayang dahil sulit na sulit. Kung hanap mo naman ay pasta, i-try ang kanilang Pomodoro sa halagang P155.
Sa Mad Mark’s naman ating i-try ang wings and fries nila sa halagang P220, Cajun fries at kung burger ang hanap mo, i-try ang Lumberjack sa halagang P170 ay napakadaming laman sa loob na sulit at mabubusog tayo.
Sa Nav Modern Thai Cuisine ay nagse-serve sila ng Thai dishes na kapag ating natikman ang kanilang dishes ay para na tayong dinala sa Thailand. Kung mahilig ka sa alimango, subukan ang kanilang Crab cakes sa presyong P230.
Sa Ninak Asian Comfort Food, i-try natin ang kanilang mga specialty na Green Mango Salad, Pad Thai sa presyong P208, at Bagoong Rice sa halagang P149 sulit na sulit.
Sa Café Juanita, ating subukan ang Beef Randang sa presyong P440 medyo malaki sa bulsa pero sulit ang bawat binayad natin.
Sa Haru Sushi Bar and Restaurant na siyempre may pagka-Japanese ang pagkain kaya tara i-try ang kanilang Dynamite roll sa presyong P320 at ang Tori Kuwayaki sa presyong P268.
Sa Tipsy Pig naman subukan natin ang Beer Can chicken sa halagang P750 at kung dessert ang hanap natin i-try ang Lava cake sa halagang P180.
Sa Black Olive Cerveseria, ating subukan ang Black Olive’s Barbecue Pork Riblets sa presyongP415 at Black Olive Paella sa presyong P635 na mabubusog talaga tayo.
At kung noodles ang hanap natin, tara sa Nomumu Ramen, at i-try ang kanilang Mushroom Gyoza, Wagyu Beef Cheek Ramen, Spicy Tongue Dry Noodle na sulit sa budget.
Tunog pa lang ng mga pagkain sa bawat restaurant sa Kapitolyo ay masarap na, kaya tara na at mag-food trip sa Kapitolyo.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo