MALAYO NA sa dating hitsura noon ni Kim delos Santos nung nag-aartista pa siya at isa sa mga bida ng youth oriented show na TGIS ang nakita namin itsura niya ngayon sa kanyang official Facebook page. Halatang-halata ang ang paglobo ng kanyang timbang.
Pagkatapos iwanan ni Kim ang pag-aartista ay nag-migrate siya sa Amerika para doon na manirahan. Sa kuwento ng dating aktres sa online talk show na Just In ay ibinahagi nito ang naging buhay niya sa ibang bansa na malayo sa limelight at atensyon ng publiko.
Ani Kim, “At first medyo mahirap siya as in, kasi hindi naman ako nakapagtapos sa Pilipinas, eh. So, I have to start from the bottom-up.”
Si Kim ay nagtatrabaho bilang dialysis nurse sa US. Sa kanyang previous interview ay inamin niyang hindi madali ang maging nurse sa US lalo na nung kasagsagan ng pandemya. Maging siya raw ay naka-experience din ng diskriminasyon sa pag-aakalang carrier din siya ng COVID-19 virus.
Ngayon ay bumalik ulit sa pag-aaral si Kim dahil gusto naman niyan maging psychiatric mental health nurse.
“Ngayon ay nag-aaral na naman ako ulit. I’m back in school again as psychiatric mental health nurse practitioner,” sabi pa niya.
“It’s something interesting, para naman na kakaiba siya. Saka gusto ko ang psych, eh, I like it,” dagdag niyang pahayag.
Naging interesado si Kim sa pagiging psychiatric mental health nurse dahil gusto niyang makatulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression lalung-lalo na sa mga bata. Mas dumami raw kasi ang ganitong kaso dahil na rin sa pandemya at quarantine due to covid-19.
“Ang hindi napapansin ng mga tao, malaking epekto sa mga bata rin, because they are not going to school right now and they’re home and they are isolated. Kung may siblings sila, siyempre okay lang. Kung wala silang siblings it’s not really good for them, so medyo naninibago sila,” paliwanag ni Kim.