FOUR MONTHS PREGNANT: Cora Waddell, happy sa kanyang pagbubuntis

Cora Waddell

HAPPY to see Cora Waddell at the grand media conference of her latest film

Happy to see Cora Wadell at the grand media conference of her latest film Recipe for Love na obra ng batikang direktor na si Joey Javier Reyes with actor Christian Bables.

Yes, pretty Cora is now four months pregnant sa kanyang non-showbiz boyfriend na isa rin model.

Kahit preggy (na kadalasan ay lumolobo ang future mon); sa kaso ni Cora, hindi mo iisipin na pregnant siya kung hindi pa niya sasabihin.

She’s still slim tulad ng dati (first time namin siya nakatsika during the presscon of the Lovi Poe-Vhong Navarro’s movie  ‘Woke Up Like This’) at walang nagbago sa kanya.

Maganda pa rin. Hindi mo iisipin na magiging future nanay na siya ng baby na nasa sinapupunan niya na ang pinaglihian at hilig kainin ay mga pagkain na maaasim.

Kung titingnan mo siya ay walang umbok sa tiyan at flat na flat pa rin. Ang sabi, kapag umabot ng five to six months ay doon lolobo ang tiyan ng ina na siyang inaabangan ngayon ni Cora and her boyfriend na love na love niya sa mga sandaling ito.

Cora Waddell and Christian Bables

Sa bagong movie niya, she plays Val na isang food blogger na mae-encounter si Calix (Christian) na chef ng isang upscale restaurant na matutunan nila ni Calix ang tamang recipe para sa kanilang pag-ibig.

The film will be shown on November 21 with the support of Sophie Albert, Myrtle Sarroza and Enrico Cuenca.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleBRINGING SEXY BACK: Sheena Halili, proud na ipinasilip ang kanyang ‘booty’
Next articleArjo Atayde, patuloy na binabash dahil kay Maine Mendoza

No posts to display