NU’NG LINGGO ko pa narinig ‘yang kuwentong may isang dating sexy actress daw na nahuli sa Edsa Shangri-La na na-involve sa kasong prostitution.
Siyempre kinalakal ko, ‘day! Si Francine Prieto pala ito, na ang sabi nadamay raw siya nang merong isang kilalang bugaw na sinet-up para mahuli na ito.
Ang kuwento pa, merong isang kilalang negosyante raw ang tumulong kay Francine para makalabas lang ito.
Iyak nang iyak daw ang aktres na humingi ng tulong dahil hindi raw niya alam na bugawan na pala ‘yung pinasok niya.
Kung totoo man ‘yun, baka nga naimbitahan lang si Francine sa isang dinner na walang kamalay-malay na binebenta na pala ito nang kausap niya.
Sinubukan ng Startalk staff namin na kontakin ang aktres. Pero nang nakausap siya, itinatanggi niya ito. Hindi raw totoo at hindi raw siya na-involve sa ganu’ng raket.
Ngayon ay kinakalkal ng Startalk staff namin ang kuwentong ito, dahil ang pagkakaalam namin, may ilan pang mga kasamahang nakakulong pa rin at hindi sila mapiyansahan.
Meron daw roon nahuli rin na miyembro ng isang sexy all-female group. Ang isa pang kilalang bugaw na nakakulong ay ang nanay raw ng dati ring sexy star.
Pero hindi na active itong sexy star na ito, at ang nanay raw ay matagal na raw na pambubugaw ang pinagkakakitaan.
Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk dahil niri-research pa ang buong katotohanan ng kuwetong ‘yan.
NGAYONG ARAW na pala magsu-showing ang magandang indie film na Sana Dati, na nanalo sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.
Si Lovi Poe ang bida rito at siyempre pinuri na naman siya sa magaling niyang performance. Pero hindi yata siya ang nanalo as Best Actress.
Ang nanalo rito ay si TJ Trinidad na Best Supporting Actor sa nakaraang Cinemalaya.
Si Paulo Avelino ang leading man niya rito, pero ang kuwento ng mga bakla, tinalbugan daw ito ni Benjamin Alves na magaling din daw sa pelikulang ito.
In fairness, nakapapasok na sa kamalayan ng mga manonood ang mga magagandang indie films. Pero sana ma-promote pa nang husto para tangkilikin naman ng mga manonood.
Ang dami ngang magagandang indie films at sinalihan na rin ito ng mga kilalang artista kaya sana nga mapansin na ng masa.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis