Napitikan natin si Francine Prieto habang nagsa-shopping sa opening ng isang clothing and accessory store nu’ng June 28, 2010 sa Forever 21 sa Megamall. Maraming celebs ang na-invite sa exclusive sale ng nasabing store. Pumanaw ang ina ni Francine na si Amelia dahil sa cancer nitong taon lang. Matatandaang napakaraming celebs ang nag-donate para mabayaran ang hospital fees ng ina ni Francine – kasama na riyan sina Anne Curtis, Angel Locsin, Boy Abunda, Kris Aquino at Christian Bautista.
Mabuti na lang at lumipat na si Francine sa Dos at medyo nabuhay ang showbiz career niyang muli. Host siya ngayon ng Kabuhayang Swak na Swak at Ka-Date sa DZMM. Kasali rin daw siya sa ikalawang installment ng Lobo (Imortal). Mukhang kumikitang-kabuhayan na ulit si ate kaya naman malayang-malaya na siyang mag-shopping. Bongga! Sana magtuluy-tuloy na ‘yan!
By Faith Salazar
Photos by Parazzi Wires
Hulicam
Pinoy Parazzi News Service