NOT NECESSARILY A blind item: More than a week ago, naghamon ang misis ng isang sikat na personalidad na pakitaan lang daw siya ng ebidensiyang may kalaguyo ang kanyang asawa ay handa siyang magbigay ng pabuya.
In all her surgically enhanced form, hindi cold cash ang papremyong willing niyang ibigay, kundi isang mamaha-ling signature bag which she herself collects. Ito’y sa kabila ng nagdudumilat na mukha ng kahirapan ng maraming Pilipino—most specially the most recent typhoon victims—na kahit ordinaryong bag lang na mapagsisidlan nila ng kanilang mga maisasalbang gamit ay bastante na.
In fairness to the wife, her “dare” was obviously a joke. Tumatawa-tawa pa nga siya when interviewed. A week later, pinatotohanan nga ni misis na isang malaking biro lang ‘yon, ewan kung pinanghihinayangan niya ang gumastos on an expensive bag should any woman out there come forward and say, “Akin na ang bag, I am your husband’s mistress!”
The “spotlight,” however, should veer away from the legal wife. Hindi na maha-laga ngayon ang kanyang pabuya, as she is supposed to be the re-cipient of the pabuya herself, the pabuya being the truth na manggagaling mismo sa kanyang asawa.
Gaano ka-significant ang isa sa mga huling araw ng buwan ng Setyembre para sa mister ni misis? May kung ano bang mahalagang okasyon ang naganap, na lingid sa kaalaman ng maybahay?
Sa araw rin bang ‘yon “nabinyagan” ang isang pinakatagu-tagong katotohanan, na kung patuloy mang pinagdududahan ni misis ay isa lamang “suntok” sa buwan?
DOWNPLAYED AS IT was, pero naging item din kahit paano ang relasyong namagitan kina Bobby Yan at Francine Prieto, palibahasa magkasama sila noon in an early radio program on DZMM.
Siyempre, following their breakup ay single na uli si Francine, short of carrying around a placard on her chest that says: “Wanted: Perfect Lover”.
Pero hindi naman pala ito ang immediate concern ni Francine, dahil mas nangangailangan daw siya ng driver. As in any artista naman kasi, hiring one is a must lalo’t hindi na keri ng artista na ipagmaneho pa niya ang kanyang sarili from a taxing work that saps all her energy.
Ang kaso, may requirement pala si Francine bago kumuha ng serbisyo ng isang drayber. Hindi raw ito dapat matakaw sa pagkain dahil lugi siya! Base na rin sa mga nagiging driver-friends ng mga artista, may meal allowance sila apart from their regular salary lalo’t kung hindi sila kasamang kumakain ng kanilang amo ng libreng pagkain sa set.
At the very least, payat ang P200 sa pangkain ng drayber, which represents just a small fraction based on the daily take ng kanyang amo sa shooting o taping. Nakakaloka naman ang patakaran ni Francine… subukan niya kayang gutumin ang nagmamaneho sa kanya, makarating kaya siya sa kanyang paroroonan sa dako pa roon?
HINDI KINERI NI Analyn na ipinagpalit siya ng kanyang babaerong dyowa na si Dario sa isang beki sa katauhan ni Shantal, lalong hindi kineri ng mga taga-Pila, Laguna ang episode na ito ngayong Miyerkules sa Face To Face nang buong ningning na inamin ng mhin na labs niya ang vaklesh kesa sa pabayang pukersiya. May angkop na pamagat na Malulunok Ko Pa Kung Ika’y Babaero Pero Kung Ikaw Ay Bekikero, Magsama Kayo Sa Impiyerno!
Maghuhuramentado naman si Tyang Amy Perez sa episode bukas na Babaeng Bungangera, Iniiskandalo Ng Uma-astang Kerida! For the first time, ikinapikon ng host ng FTF ang walang puknat na pagbubungangaan at sakitan ni Rida, kinakasama ni Jofil; at ni Raquel na kerida naman ng huli. “Sandali lang, programa ko ‘to!” pasigaw nang pag-awat ni Tyang Amy sa mga iskandalosang babaeng nagtatalo sa iisang notches.
Ano ba ‘yan, may pukersiya na, may notches pa… what else could be worth fighting for?!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III