Bugbog sa teaser ang karakter na madadagdag sa cast ng #Parang Normal Activity, walang iba ‘yon kundi ang teen actor na si Francis Magundayao na gaganap bilang Blue.
Sa trailer, Francis is seen as a camera-toting boy who joins Ella Cruz, Kiray Celis et al para i-document ang kanilang mga creepy adventures and how their group manages to survive unscathed.
Hindi na bago sa pandinig ang pangalan ni Francis who started his showbiz career as a commercial model. Siya ‘yung Iking na sidekick ni Darna, at rumaraket sa mga shows sa ABS-CBN at GMA.
Tama rin ba ang dinig namin that this soon-to-be 17 year-old boy also has his (delightful) share of sex video scandal? If true, for sure, dala lang din ‘yon ng innocence ng isang kabataan in the throes of sexual awakening ek-ek.
Anyway, ang #PNA ay bahagi ng bagong programming ng TV5 dubbed as Great Saturdate which begins at 7 pm with this scary program, sinusundan ng Tasya Fantasya, followed by Wattpad Presents and nightcapped with MTV Top 20 Pilipinas.
TRUE TO their pronouncements, obvious na hungkag sa resources of partidong nagsusulong sa kandidatura nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero for President and VP, respectively. And this goes down to their senatorial slate.
Sa aming lugar sa Pasay City, nag-iisa na na nga lang ang maliit na tarpaulin ng tumatakbong Senador na si Edu Manzano, nakadikit pa sa poste ng Meralco. Hindi ba’t bawal ‘yon?
‘Yun namang tarp ni Isko Moreno, the size of Edu’s, na nag-iisa rin ay nasa ‘di kalayuan at nakadikit sa pader na semento. Bale ba, the tarp is situated sa isang talipapa sa kanto ng isang makipot na kalye, na kung nakapalibot ang mga namimili ng tinapa ay kahit bumbunan ni Isko sa larawan ay hindi na makikita.
Lalayo pa ba kami, eh, mga mismong tarp nina Grace at Chiz—whether magkasama or magkahiwalay—ay hindi namin nakikita on the busy, crowded streets sa Pasay.
Wala ba silang mga local leader na kahit walang bayad ay sumusuporta sa kanila sa pagdikit man lang ng kanilang mga campaign paraphernalia? O, baka naman kasi hindi rin sila nananampalataya sa kakayahan ng mga kandidatong ito, dahilan para kuwestiyunin din nila ang mga naglalabasang survey kung saan nangunguna kuno raw sila?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III