GINANAP SA HARD Rock Café sa Makati City ang album launching ng Are You The Next Big Star Female Grand Winner na si Frencheska Farr under GMA Records, kung saan nagparinig ito ng ilang awitin mula sa kanyang kaabang-abang na album, tulad ng “Everytime”, “Suddenly It’s Magic”, “Sa Pangarap Ko”, “Inside My Heart”, at ang carrier single na “Today I’ll See The Sun” na ipinapanood din sa mga imbitadong press people ang MTV nito na si Bianca King ang nagdirek at pumayag lumabas sa kanyang first MTV si Richard Gutierrez.
Kumbinasyon ng excitement at kaba ang nararamdaman ni Frencheska sa pagkakaroon ng solo album at sa malaking suporta ng GMAAC at GMA-7 sa kanyang album, kung saan in full force ang kanyang buong GMA Artist Center family headed by GMAAC Head Ms. Ida Henares, Ms Shirley Pizzaro, GMAAC Talent Development, at iba pa.
Tsika ni Frencheska, starstruck siya nang makaharap at makatrabaho niya si Richard, dahil kahit nakikita na nito ang matinee idol sa bakuran ng GMA-7, wala pang pagkakataong nagkatrabaho sila. Kaya naman daw thankful siya dahil pumayag itong lumabas sa kanyang first MTV. Isa nga raw si Richard sa gusto nitong makatrabaho pagdating sa aktingan.
MAPAPANOOD NA SA Star Confessions ang true-to-life story ni Lito Reyes aka Shalala sa TV5, at dito ipakikita ang ups and downs sa buhay ng isa sa pinakamainit na komedyante ngayon sa showbiz.
Pihadong maraming luluha sa paglalahad ng totoong buhay ni Shalala sa dami ng dagok ng buhay na dinaanan nito hanggang sa marating niya kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon.
At kahit nga sikat na si Shalala, nanatili pa ring nakatapak ang kanyang paa sa lupa at hindi pa rin binabago ng kasikatan. Isang tao raw ang itinuturing ni Shalala na malaking tulong sa kanyang career. ‘Yun ay walang iba kung hindi si Kuya German Moreno na siyang nagpasimula ng career nito at nagbigay ng pangalang Shalala. Kaya naman daw kahit anong mangyari, ‘di iiwan ni Shalala ang nag-iisang Master Showman na si Kuya Germs.
NAKAKALOKA NAMAN ANG drama nina Arnell Ignacio at Suzuki Sadatsugu, dahil after mag-umbagan sa isang event, napagkikita na naman ang mga itong magkasama at sweet sa isa’t isa sa Greenhills, habang tumitingin ng mga paninda sa tiangge sa naturang establishment.
Hindi nga raw mababanaag na nagkasakitan ang mga ito at parang wala lang nangyari kung pagbabasehan ang ka-sweetan ng mga ito na naghaharutan at nagkukulitan habang magkasama.
Mukhang in good terms na naman ang dalawa at nalagpasan na ang hindi pagkakaunawaan. Balita nga namin, balak daw ng dalawa na magtungo ng Hong Kong bago mag-Pasko para mamasyal kasama ang iba nitong mga showbiz at non-showbiz friends. ‘Yun na!
NAG-ENJOY NANG HUSTO sa kanyang first acting job ang print ad model at Campus Image model ng Olive C at endorser ng Skin Central na si Hiro Magalona (pamangkin ng yumaong Francis Magalona) via Maynila, kung saan nakasama nito si Yasi at ang Tween Stars na sina Bea Binene at Kristoffer Martin.
Very thankful daw si Hiro sa EP ng Maynila na si Ms. Maryann at sa TC nito na si Tita Chuchi Regonon at lalung-lalo na sa direktor nito sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makapag-guest sa Maynila.
Happy at nag-enjoy raw nang husto si Hiro dahil na rin sa mababait at very supportive ang mga artistang nakasama niya na umalalay sa bawat eksenang magkakasama sila.
Sa ngayon, regular na napapanood si Hiro bilang teen co-host ni Kuya German Moreno sa Walang Tulugan with The Master Showman, at sa radio program ni Kuya Germs sa DZBB 594 KHZ every Friday, ang Walang Siesta.
John’s Point
by John Fontanilla