KAHIT nasa magkaibang istasyon sila nagtatrabaho, up to this day ay solid pa rin ang friendship sa pagitan ng Starstruck Batch 1 graduates na sina Jade Lopez at Cristine Reyes.
Sa katunayan, talagang umeffort pa si Cristine na umattend sa wedding ng kanyang BFF noong October 2018 kahit na galing pa ito sa isang out-of-the-country commitment.
Napanood namin sa isang video interview kay Cristine Reyes while she was promoting her astig action film na ‘Maria‘ kung sino ang first friend niya sa showbiz. Ang sagot niya ay si Jade Lopez.
Last weekend ay nagpost si Jade sa kanyang Instagram na pinanood niya ang pelikula ni Cristine with her husband Rocky Siccion at bilib na bilib siya sa kaibigan na talagang binigay ang kanyang 100% sa mga fight scenes.
“She did an amazing job. Pinaghandaan talaga from her athletic built, yung fighting form nya and the way she handled yung mga weapon nya. Hindi mo iisipin na si Cristine Reyes siya kasi para talaga siyang assassin. Sabi ko nga, pwede siyang maging pinay Jennifer Garner or Angelina Jolie” Jade proudly shares about her friend.
Ang naaalala namin na huling project ni Jade na may action scenes ay ang Alyas RobinHood where she played the role of a Chef na deadly ang fighting skills. We asked her kung open din siya to do action films in the future?
“Yes very open to do action movie. I think karamihan sa mga babaeng artista gusto gumawa ng ganung klaseng role na ipinapakita ang lakas ng babae.”
On the possibility of her and AA (palayaw ni Cristine among her close friends) collaborating on a project together at kung anong tema ang naiisip niya:
“Syempre naman! I’ve always wanted to do a multi verse/sci-fi themed story kasi fan ako. Sa ngayon hindi na malabo magkaroon ng ganyan because of digital TV.”
Kasama si Jade sa cast ng pinakabagong GMA Afternoon show na ‘Bihag’ with Max Collins, Sophie Albert, Jason Abalos and fellow Starstruck graduate na si Mark Herras. Sa totoo lang, Jade is one of the underrated gems of Starstruck kaya wish namin na magkaroon din siya ng project kung saan maipapakita niya ang kanyang range as an actress.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club