MAGKA-BATCH sa The Voice Kids season 1 ng ABS-CBN sina Darren Espanto at Juan Karlos (JK) Labajo. Naging mag-best friend din sila pero nung naging teenager na ang dalawa ay natapos na rin ang kanilang friendship.
Umabot pa sa korte ang usapin kasi nag-file ng kaso noon ang nanay ni Darren laban kay Juan Karlos. Nag-ugat ang problema nina Darren at Juan Karlos nang diumano’y siraan ni JK si Darren sa social media.
Sa interbyu ng press kay Darren sa ginanap na Beautederm presscon nung ipinakilala siya bilang brand ambassador ay matipid ang kanyang komento sa naturang isyu.
Reaksyon ni Darren, “Wala pa po akong puwedeng sabihin, eh. Sorry po.”
Halatang sarado na rin si Darren sa posibilidad na maibalik ang friendship nila ni Juan Karlos. Kelan ba sila huling nagkita?
“We haven’t seen each other for years. So, I don’t know what he looks like,” sagot niya sa tanong.
“I mean, nung The Voice Kids we were best friends. And then, a lot of people started telling me things that he started saying about me — like after a few years na hindi kami nag-uusap.
“So, I don’t really know where that came from, and why he started doing it,” bahagyang pagre-recall ni Darren sa pinagsimulan ng away nila ni Juan Karlos.
Dagdag pa ng binata, yung nangyari daw sa kanila ng dating kaibigan ay part na lang ng kanyang past.
“Ako po kasi, I’m very happy with everything that’s going on in my career. All those things na negative, I don’t like to dwell on it.
“Kasi ako po, I have my family, I have all the supporter, friends, that I couldn’t ask for more po talaga. “So, those things talaga, it’s not something that I really think about. Hindi po talaga yung something to dwell on it,” pagdidiin pa ni Darren.
Samantala, ikinatuwa ni Darren na kinuha siyang celebrity ambassor ng Beautederm owned by Rhea Tan. Malaking boost din daw ito sa career niya lalo pa nga’t sa mga susunod na linggo ay maglalabasan na ang kanyang malalaking billboards.