MISS niyo na bang masulyapan sa big screen ang nag-iisang Songbird of Asia na si Regine Velasquez? No need to fret dahil nagbabalik-pelikula ang isa sa pinakamamahal nating diva sa bansa sa pamamagitan ng 2019 Cinema One Originals entry na ‘Yours Truly, Shirley’.
Kung hindi ako nagkakamali, ang pelikulang ‘Of All The Things’ nila ni Aga Muhlach ang huling pelikulang pinagbidahan ni Regine. Nand’yan din ang unfinished film na ‘Mrs. Recto’ na ni-release na lang as a free movie with Glaiza de Castro filling up the gap. May special participation din ang Songbird sa ‘Unforgettable’ ni Sarah Geronimo na showing na ngayon in cinemas nationwide.
What makes this film interesting is the fact na si Regine, na isa sa mga iconic artists natin sa bansa with her own loyal fanbase ang magpapakafangirl. Ang kulit lang, ‘di ba?
The directorial debut of Nigel C. Santos is about a fangirl in her late 40’s na hindi pa rin nakakarecover sa pagpanaw ng kanyang mahal na asawa (Romnick Sarmienta). Eventually, mababalin ang kanyang atensyon sa isang bagitong pop star (played by newbie Rayt Carreon) na feeling niya ay reincarnation ng kanyang nasirang asawa.
Sa trailer na ipinalabas noong isang araw, nakakaaliw lang na nagpapakafaney si Regine. A superstar doing a fangirl role? Iba ‘din!
For me, this is a good comeback film for Regine na for a time ay naging ‘RomCom Queen’ natin. Sino ang hindi kinilig sa mga pelikula niya with Aga Muhlach and Robin Padilla? Kahit sa telebisyon ay pinakilig din niya tayo in her past teleseryes sa Kapuso network and my favorite in particular is ‘Ako si Kim Sam Soon’ na surprisingly, may chemistry pala sila ni Mark Anthony Fernandez.
Hindi naman obvious na excited ako sa pagbabalik-pelikula ni madam, noh? Palabas na ang ‘Yours Truly, Shirley’ pati na rin ang mga iba pang pelikulang kalahok sa Cinema One Originals beginning November 7 to 17 na ipapalabas sa piling sinehan sa Metro Manila.