AAMININ NAMIN na mataas ang expectations namin sa GMA Afternoon Prime series na ‘Inagaw na Bituin’. Maliban sa bida rito ang breakthrough teen star na si Kyline Alcantara of Kambal Karibal at award-winning actress na si Therese Malvar, nandito rin ang tatlo sa mga naging ‘reyna’ ng GMA: Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz at Angelu de Leon.
Mahilig din ang mga Pinoy sa mga teleserye na may music element kahit na halos paulit-ulit lang din ang story line. Maliban kasi sa drama scenes, inaabangan ng mga fans ang patalbugan ng mga bida na dinadaan sa biritan ang pakikipaglaban.
Sa teleseryeng ito, first week pa lang ay nahirapan na kami na kapitan. Puro sigawan at rambulan ang pinaggagawa ng mga karakter nina Sunshine Dizon (Belinda) at Angelika dela Cruz (Lucy) na nakakabingi at hindi comfortable panoorin. Imbes na maaliw sana tayo sa singing voices ay shouting voices ang pinairal nila rito.
Nagwork siguro ang strategy na iyon sa Ika-6 na Utos, pero ibang usapan ang ‘Inagaw na Butuin’.
Isa pa sa mali sa programang ito ay tila hindi sanay ang fans na sobrang bait at naïve ng karakter ni Kyline Alcantara bilang Elsa/Anna. Mas gusto ng fans na bida man ito, palaban naman sana. Mas matapang pa ang karakter ng kapatid niya na si Melody (Melbelline Caluag), na mas maganda rin ang boses at stage presence over her. Nang mapansin siguro ito ay nagdesisyon sila na patayin na lang ang karakter niya.
Though Therese Malvar is a talented actress, it took a while bago namin na-absorb ang pagiging kontrabida niya. We saw improvements in her character, pero naloka kami nang patayin nila ang karakter niya sa gitna ng programa.
Yes, pinatay ang isa sa mga bida ng ganun-ganun na lang!
Ang latest na victim ng patayan ay si Marvin Agustin na tatay ng mga bida.
Ang ‘twist’ sa karakter ni Gabby Eigenmann bilang obsessed na producer ay nakakawalang-gana panoorin.
Patay din ang chemistry sa pagitan nina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa. Ito ay kasing patay ng acting skills ng aktor. Bakit ba siya ang ginawang leading man dito kung mas marami ang deserving na marunong umarte?
Mas maraming disappointments ang teleseryeng ito dahil
tumaas ang expectations namin sa magagaling na cast members at director na si
Mark Reyes. Ano ang nangyari?
Ito ang perfect example na no matter how good your actors are, ang istorya pa
rin ang tunay na bida. SAYANG!