NAKAKATUWA ang nangyayari ngayon sa buhay ng sikat na online seller turned recording artist na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz. Nag-umpisa itong mag-viral nang magkaroon ng third wave ng lockdown sa Pilipinas. In a short span of time ay pinatawa tayo ni Madam Inutz sa kanyang kakaibang pamamaraan ng pagbebenta ng damit online at ngayon nga ay isa na siyang recording artist.
Thanks to her manager ka-freshness Wilbert Tolentino, hindi napunta sa wala ang pagsisikap ni Madam Inutz. Hindi rin ito nawala sa landas at ngayon ay magagabayan na ito sa in and outs ng magulong mundo ng showbiz, huh!
Ang ‘Inutil’ ang debut single ni Daisy Lopez na ngayon pa lang ay kinagigiliwan na ng mga tagahanga niya. As of writing, ang very cute but fiesty music video ng ‘Inutil‘ ay malapit nang umabot sa 1 Million views! Konting kembot na lang at malalagpasan na niya ito. OH DIBAH?! Madam Inutz lang sakalam!
Buti na lang at hands on mismo si Wilbert Tolentino sa paggawa ng Inutil music video.
“Yes po, actually ako po ang nag-prepare ng lahat ng productions po. Naghanap ako ng team ng lahat nang nakatrabaho ko na, mula sa director, sa prod, sa stylist, make-up artist, hairstylist, lahat po. Mula sa music na ang nag-compose ay si Ryan Soto na matagal ko nang ka-tandem sa entertainment industry.
“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito at kailangang tumatak talaga sa masa,” deklara ni Kuya Wil sa panayam ng Tonite L na L .
Kailan niya nalaman na marunong palang kumanta si Madam Inutz? “Actually, bago siya nagpa-handle sa akin bilang talent manager niya, tinanong ko muna kung ano ang pinaka-talent niya, doon lang ako humnugot para i-groom si Madam Inutz. Deserve niyang tulungan, hindi lang siya nabigyan ng break,
“Matagal na siyang hindi kumakanta at need niya na ibalik iyon, kasi noong narinig ko ang boses niya noong kabataan niya, sobrang ganda.”
S’yempre, super happy ito sa mainit na pagtanggap ng masa sa ‘Inutil’.
“Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, bukod sa puro positive ang feedback, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter.
“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya. ‘Sangkap ng Pasko’ ang title. Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy.Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya.”
Very ‘Aegis’ ang boses ni Madam Inutz. With the right songs, siguradong magiging classic OPM hits at paborito sa videoke ang mga kantang magagawa niya. Swak din sa mga taong sawi o sabik sa pag-ibig!
Anyway, mapapakinggan ang kantang “Inutil” sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.
Para sa Inquiries & Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa [email protected]