PRESENT ANG ASIA’S song bird na si Regine Velasquez na medyo lumapad nang konti dahil sa kanyang pagbubuntis sa kanilang first baby ni Ogie Alcasid para sumuporta sa launching ng OPM Perfume hatid ng Bench Celebrity Scents Collection ng kanyang mister na ginanap sa Main Atrium ng SM Mall of Asia.
Larawan ng isang masayang maybahay ang aura ni Regine nang humarap sa press people, kung saan ikinuwento nito ang kanyang pagbubuntis at pagiging masaya sa piling ni Ogie, at sa pagdating ng kanilang baby boy.
“I’m good! Malapit na, eh (panganganak niya). Parang a month and a half na lang, eh. Pa-eight months na kasi ako, eh! Baka ma-CS (caesarean section) ako, kaya puwede kaming mamili ng date kung kailan ako manganganak. Bale pinag-uusapan pa namin ni Ogie, pero may pangalan na kami sa baby boy namin, si Nathaniel James.”
Sinabihan daw si Regine ng kanyang doktor na maglakad-lakad, kaya naman daw lagi itong nasa mall. “I’m advised to walk around. Pero ngayon, medyo hirap na akong maglakad, eh!”
Tsika pa ng magaling na singer, hindi niya raw name-miss ang showbiz dahil mas excited daw siya sa pagdating at pag-aalaga ng kanilang anak ni Ogie. Dagdag pa nito na hindi sila kukuha ni Ogie ng yaya, dahil gusto niyang siya mismo ang mag-alaga ng baby nila. Kaya naman daw matatagalan pa bago siya bumalik sa showbiz.
From showbiz ay balak din palang pasukin ng isa sa regular cast ng Sinner or Saint na si Polo Ravales ang magulong mundo ng pulitika. Gusto raw kasi ni Polo na matulu-ngan ang kanyang mga kababayan sa Bataan.
At kahit hindi pa man nagbabalak pumasok sa pulitika si Polo ay tumutulong na ito sa Hermosa, Bataan at may mga proyekto na nga itong nasimulan du’n. Kaya naman everytime na walang trabaho ito, matatagpuan mo lang ito sa Bataan.
Ang mismong mga kababayan daw nito sa Hermosa, Bataan ang may gustong tumakbo si Polo sa kanilang bayan. Kaya naman pinag-iisipan itong mabuti ni Polo kung ready na ba siyang sumabak sa pulitika sa taong 2013.
HINDI PA MAN ipinapalabas ang Ikaw Lang ang Mamahalin na pagbibidahan ng apat sa prime young stars ng GMA-7 na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching at Kristoffer Martin, marami na ang nag-aabang nito.
Medyo nabitin daw sila sa love team nina Kristoffer at Joyce or Krisjoy sa kanilang mga tagahanga, dahil tuluyan nang pinatay ang characters ng mga ito sa Munting Heredera.
Kaya naman daw tututukan ng mga ito ang ILAM para panoorin ang love team nina Joyce at Kristoffer, gayundin ang dalawa pang kasama ng mga ito na sina Barbie at Joshua.
Tsika nga ng isang kapatid sa panulat na sa galing sa drama nina Kristoffer at Joyce, karapat-dapat na tawagin ang mga ito na makabagong drama prince at princess ng GMA-7.
ISA SA AABANGAN sa ILAM ang character ni Victor na ginagampanan ni Teejay Marquez na lalabas na anak ni Shirley Fuentes at bestfriend ni Joshua Dionisio, at isa sa magpapahirap sa buhay ni Barbie Forteza sa nasabing soap.
First time daw na gaganap ni Teejay na kontrabida sa isang soap dahil sa Tween Hearts ay nerd ang role nito, samantalang sa Time of My Life ay mananayaw naman siya.
Natutuwa nga raw si Teejay at thankful sa GMA-7 dahil iba’t ibang role ang ibinibigay sa kanya sa bawat proyektong kasama siya. Ang ILAM nga raw ang pinakamagandang regalo na nakuha niya ngayong 18th birthday niya.
John’s Point
by John Fontanilla