MALAKAS ang usap-usapan na sasali sa na politika sa 2019 si Dingdong Dantes.
Noon pa inuudyukan ang actor mula nang maging aktibo siya sa Yes Pinoy Foundation na pinamunuan niya kung saan sa rehimen ng dating Pangulong Noynoy Aquino ay kaliwa’t kanan ang mga activities niya at visible siya sa media.
Training ground yun para sa actor sa pagtangka niya na pasukin ang politika sa darating na eleksyon kung sakali mag-desisyon siya na seryosohin ang plano.
Sa grand presscon ng pelikula niya with Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story) ay ngingiti-ngiti lang siya. Walang diretsahan sagot kung sasali niya sa politika sa darating na 2019.
Kasi naman, papaano mo hindi pagisipan na seseryosohin ng actor na makisali sa pulitika ay dahil balik eskwela si Dingdong.
Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Dingdong ng Masters in Public Management course sa Open University ng University of the Philippines na kadalasan pinagaaralan ng mga may pagtatangka na maging lingkod bayan. Bukod sa UP masteral course niya ay dumalo din siya sa isang leadership seminar dito sa bansa na facilitated ng Harvard University.
Papaano ka hindi magdududa na seryoso ang actor na pasukin ang politics dahil last March this year, sa kanyang Instagram account na @dongdantes ay nag-post siya ng isang course guide ng Public Management 201: Theory and Practice of Public Administration.
May short explanation ang aktor tungkol sa three days course na kinuha niya recently sa Harvard University kung saan dito isinagawa sa Manila.
Ayon sa actor: “Isa siyang leadership course na dinala rito sa Pilipinas to accommodate yung mga hindi makapunta dun. Parang it’s especially made for people in Asia, at ang Pilipinas ang isa sa pinuntahan nila. Nakahanap sila ng participants, it’s a basic leadership course na puwede mong ma-apply sa kahit anong industry.”
Sa katunayan, katatapos lang ng isang semester ni Dingdong para sa Materal Course niya sa UP na aabot pa ng mahigit isang taon na pagaaral bago niya ito matapos.
Pag nagkataon, si Dindong, hindi lang siya si Sid (karakter niya sa pelikula nila ni Anne Curtis) kundi pwede na natin abangan ang future senador ng bansa?
Reyted K
By RK Villacorta