Gabay sa Pagbili ng Panregalong Laruan Ngayong Pasko

Joel-Serate-Ferrer“Ihanda n’yo na rin ang mga regalo
Para sa mga batang mamamasko
Kahit laruan lang na hindi bago
Basta’t manggagaling sa puso n’yo.”

  • Willie Revillame (Boom Tarat Tarat/Pasko Na)

SA NAKARAANG Pera Tips, pinag-usapan natin kung paano puwedeng magtipid sa pagbili ng mga gadget lalung-lalo na ngayong Kapaskuhan. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga tama at wastong paraan sa pagbili ng mga laruan para sa mga anak at inaanak.

Ang paglalaro ay isang napakaimportanteng aktibidad sa pag-develop ng mga bata. Depende sa laro at laruan ay maaaring ma-develop ang mga physical, mental, at social skills ng isang bata.

Sa totoo lang, ang pinakaimpotanteng laruan para sa isang bata ay ang kanyang imahinasyon. Sa pamamagitan ng imahinasyon, ang isang stick ay maaaring maging baril, espada, trompeta, atpb. Subalit sa panahong ngayon, marami tayong mga laruan na kumikitil sa imahinasyon. Isa na riyan ang mga computer games. Dahil napa-realistic ng mga simulation sa mga laro na ito ay namimihasa na ang mga kabataan sa mga very detailed features nito. Ayaw na nilang gumamit ng mga laruan na simple at hindi ganun ka-realistic.

Bukod dito, marami sa mga realistic na laruan na ito (ex. realistic na baril, kotse, etc.) ay mas mahal kaysa sa mga mas simpleng mga alternatibo. Mamili po tayo ng mga mas simpleng laruan dahil hindi lang tayo nakatitipid; nade-develop pa natin nang maigi ang imahinasyon ng mga bata.

‘Eto ang ilang pang Pera Tips tungkol sa wastong pamimili ng laruan para sa inyong anak:

  1. Bago kayo bumili ng laruan para sa inyong mga anak, sabihin n’yo sa kanila na ‘eto ang iyong budget sa pagbili ng larunan nila. Katulad ng mga gadget, marami rin ang mga laruan na madaling malaos at pagsawaan. Ipakita sa inyong anak ang tamang criteria ng pagpili ng laruan na nararapat sa kanila at sa kanilang edad. Halimawa, isa sa magandang criteria sa pagpili ng magandang laruan ay ito ay may multi-purpose use at flexibility. Ang ibig sabihin nito ay puwede siyang gamit hindi lang sa isang laro, pero sa mga iba pa. Halimawa, ang laruang baril ay puwede lang gamitin sa laro na baril-barilan, pero ang generic na bola, puwedeng gamitin sa basketball, volleyball, football, etc.
  2. Dumalaw sa ilang mga tindahan ng laruan at makipagdiskusyon sa iyong anak kung ano ang pros and cons ng pagbili ng bawat larunan na kanyang napupusuan.
  3. Habang kayo ay nagsi-shopping ng laruan kasama ang inyong anak, ipakita n’yo sa kanya ang mga laruan na dapat iwasan dahil meron silang mga hazards, katulad ng loose parts, mga matatalas na bahagi, mayroong mga depekto, etc. Sa ganitong paraan, natuturuan n’yo na rin ang inyong anak na maging wais na mamimili.
  4. Ang pagiging magaling sa Math ay isa sa mga importanteng sangkap ng financial literacy. Kapag bumibili kayo ng laruan (o kahit ano mang bagay na kasama ang inyong anak), maganda kung mapraktis n’yo ang kanilang Math skills sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanila tungkol sa perang ibabayad, perang isusukli, etc.

_____________­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­______________________________

Si Joel Serate Ferrer ay co-author ng bestselling book na PAANO YUMAMAN: 50 PERA TIPS TO MAKING AND SAVING MONEY. Ang libro na ito ay currently available sa National Bookstore, Pandayan Bookshop, at iba pang mga tindahan.

Pera Tips
by Joel Serate Ferrer

Previous articleHover Trax, Patok din ngayong 2015
Next articlePatok sa Survey!

No posts to display