Kaloka pala itong baguhang alaga ng GMA Artists Center named Gabbi Garcia. Ang sama ng pag-uugali based sa mga information na nakarating sa amin.
Noong kainitan ng isyu laban sa kanya na inayawan niyang makasabay ang mga “nameless” na mga dancers pabalik sa Manila (na kasabay naman niya sa isang van papunta sa venue) for a show in Bataan a couple of months ago, never akong nag-comment sa kaganapan dahil sa feelingera attitude niya. Pero nakuha niya ang atensyon ko na noon pa man ay ayaw ko na sa mga artistang nagsisimula pa nga lang sa showbiz ay mayabang na at ayaw makisama.
Ewan ko kung anong pambibilog at training ang ginagawa ng GMA Artists Center sa tulad niya na starlet naman ay pangit ang pag-uugali sa kapwa. Artista man o pangkaraniwang tao, dapat niyang matutuhan ang pagiging humble. Wala bang teaching on humility ang Artists Center sa mga talents nila in case sumikat at maging big star someday ay alam ang gagawin nila na ang kasikatan hindi ipinagmamayabang kundi dapat ipagpasalamat?
Ang kayabangan niya, malamang turo ng mga magulang niya, na ang pangit niyang attitude ay sinususugan pa ng GMA Artists Center tulad sa pangyayari na kinasasangkutan niya.
Ang salitang “prime artist” (hindi kaya ang ibig sabihin ng mga mga handlers niya na kasama nito si Gabbi ay “promising artist”) nila ang dalaga na ito ang ina-aura nila sa mga kasabayan niyang mga dancers ay iginagawad lang para sa may mga may narating at napatunayan na sa showbiz. Hindi naman siya si Marian Rivera or Jennylyn Mercado na hindi naman ganu’n ang mga attitude.
Sigurado ako na wala siya sa liga na mga artista ng GMA Kapuso Network na kikintal sa kamalayan ko. May mga homegrown talents ang Kapuso Network na oks naman na mas kilala kay Gabbi, pero hindi ganyan ang pag-uugali. Kung sa bagay, hindi rin ako magtataka na during a presscon ng Strawberry Lane noon, I was interviewing Artists Center’s Jeric Gonzales na biglang may sumingit na bakla at bumulong sa bata at nagpaalam si Jeric saglit sa amin na ‘yun pala ay tsi-tsika lang sa isang beking insider sa GMA gayong “faney” pala ang peg na nakaaabala sa artista nila na nagta-trabaho during that time na ini-interbyu namin.
Oks sa akin ang baguhanng si Glaiza de Castro, ilang beses ko nang na-meet pero walang “bad attitude” na mas sikat ‘di hamak kaysa sa Gabbi na ito. Ang showbiz newbie na si Sanya Lopez na kapatid ni Jack Robert na kasali sa remake ng “Encantadia” ay magalang at walang feeling na uma-aura.
Ang mga sikat nga na may karapatan na magkaroon ng attitude (pero hindi nila ginagawa) ay hindi ginagawa ang kawalang pakikisama at inasal nitong si Gabby na ipinibaba pa ang mga gamit ng mga kasabayan niyang mga dancers para iwanan ang mga ito sa kalaliman ng gabi ay repleksyon lang kung ano ang batang ito at kung ano ang itinuturo sa kanya ng management na nagha-handle sa career niya.
What if kung baliktarin natin ang sitwasyon at siya ang iiwanan ng mga dancers sa kalaliman ng gabi? Ano’ng gagawin ni Gabbi?
Tsk…tsk… iba ang attitude ni girl. Gabbi, umaayos ka at pakisabi kung sino man ang mga handlers niya na turuan ang batang ito ng tamang attitude at marunong dapat makisama.
Bad, bad girl. Hindi dapat tularan. Pakiuntog nga, Tita Dexter Doria at Gladys Reyes, para matauhan itong si Gabbi Garcia, pati ang mga handlers niya. Ayaw ng mga fans ng ganyang klase na iidolohin nila.
Sa pagkakaalam ko, ipinapareha siya kay Ruru Madrid (ang binata, kilala ko at na-meet na for an interview) na talent ni Direk Maryo delos Reyes ay magalang at sa unang pagkakataon na makaharap ko si Ruru noon, alam mo na ay may breeding ang bata na aral mula sa kanyang mga magulang.
Reyted K
By RK VillaCorta