Gabby Concepcion, umaasang matutuloy pa rin ang movie nila ni Sharon Cuneta

Gabby-ConcepcionKAKAIBA PARA kay Gabby Concepcion ang papel na ginagampanan niya sa epic film na Felix Manalo ni Dennis Trillo na dinirek ng award-winning director Joel Lamangan under Viva films. Kailangang gampanan niya nang mabuti base sa character na ipo-portray nito. Mahalaga para kay Gabo ang pelikulang ito, sabi ng actor, “Ito’y isang edukasyon, bibiyahe nang malayong-malayo. Malamang wala na tayo, itong pelikula ang magiging alaala sa mga susunod na miyembro ng Iglesia. Kung ano ‘yung success story na pinagdaanan ni Felix.”

Para kay Gabby, mag-iiwan daw ng legacy sa mga tao ang istorya ni Felix Manalo  “Palagay ko, katulad nu’ng unang alaala at success na mabuting ginawa ni San Lorenzo Ruiz, parang ganito na rin ‘yun. Any true-to-life story magiging testigo tayo roon sa mga panahon na wala pa tayo sa Iglesia Ni Cristo.

“Lahat naman tayo’y may pinagbabasehan kaya nga tayo nasa religion natin, it’s because of choice. Nakikita ko noong bata ako, wala akong nalalaman sa religion being a Catholic. Ngayon may iba’t ibang klaseng religion at ang INC napakaraming followers. Iisa lang naman ang pinag-aaralan nila at pinaniniwalaan, at pinaniniwalaan natin, ang Biblia,” paliwanag niya.

Nasaksihan ni Gabby ang mga qualities ng INC kung gaano katindi ang paniniwala nila. “Magalang sila, mabait sila sa tao, nagsasamba sila, malakas ang paniniwala nila sa Biblia, solid sila, marami.”

Kahit maraming mahahalagang bagay na na-discover si Gabby sa INC, hindi nagbago ang faith niya Katoliko. “Hindi naman, marami kasing religion and we have our choice. Sabi nga ni Direk Joel lamangan, hindi naman huli ang lahat. Hindi ko sinasabing mababago ako, lalaki ang respeto ko sa INC.”

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Gabby na matutuloy ang movie nila ni Sharon Cuneta. “‘Yun ang matagal ko nang hinihintay na. I’m avid fan of our team-up and I am waiting for that movie. Nagkausap na kami dati pa, pero lately hindi namin napag-uusapan. Sana nga maging Dawn-Richard ang mga project namin together. There is always hope, ‘di ba?

“Any movie kahit historical basta magkakasama kami. Maganda nga may pelikulang nag-umpisa kami pagkabata. Iba ‘yung mundo niya, iba ‘yung mundo ko tapos nagkita kami, ‘di ba? Ako, very adventurous ako sa mga roles sa pelikula. Kung papaano nangyari lahat, lahat nang nangyari sa buhay ko, palagay ko ay naisulat na, nasa diyaryo na, iipun-ipunin na lang at gagawing pelikula. Lahat ng tao may sariling story to tell. Wala nga akong itinatago, mas marami pang nakaaalam ng istorya ko kaysa sarili ko. Kung minsan nakalilimutan ko na nga ang nangyari sa buhay ko,” aniya.

After ng premiere night ng Felix Manalo mag-abroad si Gab for a series of shows kasama ang pamilya. Hindi muna tatanggap ito ng TV at movie project. Ang bagong career ngayon niya ay pagiging singer. “At ‘yun ang gagawin ko before Christmas.” May bagong album na gagawin siya for next year release. “Pinag-aaralan pa kung ano ang magiging tema, in the making pa lang.”

Martin-Nievera-Pinky-FernandoPinky Fernando, star-studded ang birthday celebration

STAR- STUDDED ANG 46th birthday ni Pinky Fernando ng Fernando’s Bake Shop na ginanap sa Luxent Hotel, Timog, Quezon City last Sunday, October 25. In full force ang support na ibinigay ng ASAP 20 sa celebrant na sina Martin Nievera, Jed Madela, Erik Santos, Vina Morales. Present din sa nasabing special na okasyon ang grupo ng Your Face Sounds Familiar na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Erik Nicolas, and Michael Pangilinan. Lahat sila’y naghandog ng awitin kay Tita Pinky.

Kilala sa mundo ng showbiz si Pinky as ‘Pink Lady’. Napaka-lovable nito at generous sa mga kaibigan at taga-showbiz. Tinuturing siyang Kapamilya ng ABS-CBN dahil sa suportang ibinibigay niya sa halos lahat ng artista at programa ng Dos. Maging ang press people ay pinadadalhan niya ng Fernando’s cake everytime na mayroon magbi-birthday.

Super successful ang birthday bash ni Tita Pinky kaya ganu’n na lang ang pasasalamat niya sa lahat ng nangsidalo lalong-lalo na sa pamilya niya, relatives and friends, at taga-showbiz. Dumating din sina Kuya Germs Moreno, Randy Santiago, Gretchen Fulledo, mag-amang Niño Muhlach at Alonzo Muhlach, Aaron Villena, Diego Loyzada, Gladys Reyes, at Rowell Santiago.

Again, Happy Happy Birthday Tita Pinky Fernando… More power!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSheryl Cruz, ‘di na dapat asahang rumespeto sa kadugo
Next articleLea Salonga, binakbak nang husto sa Twitter

No posts to display