TIYAK na matutuwa ang fans ng estrange couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil mismong sa aktor narinig ang balitang matutuloy na ang reunion movie nila ni Sharon next year.
Ayon sa Beautederm endorser, “Meron din siya (Sharon) kasing projects na naka-line-up, meron din ako, ‘yung time table niya is puno na, maski rin ‘yung sa akin, so talagang hindi pwede nang gawin this year.”
Naghahanap din daw sila ng tamang material for the project na kanilang pagsasamahan na ang balak din ng dalawa ay sila ang mag-co-produce.
“Kung mayroon ho kayong alam na istorya, padala n’yo lang sa amin, i-instagram n’yo ako, or email n’yo ako – [email protected] – we really, really need a good story.
“So if anybody has a really good story out there, it has to be out of the box, kakaiba, and we’re willing to look at your story,” panawagan pa ng aktor.
Matatandaang nagkaayos na sina Gabby and Sharon kamakailan sa Gabay-Guro event.
“Kaya lang naman hindi natuloy noon, sa totoo lang, there’s no story. Maraming story, pero hindi ‘yun ‘yung story na hinahanap ko. Sa dami ng nagawa natin, medyo alam natin kung ano ‘yung feel natin na parang magugustuhan ng tao. Kung gusto mo ‘yung story, malamang, magugustuhan din ng tao because it’s the same feeling,” giit pa niya.
Eh, how true na talent fee ang isyu kung bakit tinanggihan niya noon ang reunion project nilang dalawa?
“Wala, wala, in fact, I want to let you all know about this, I also mentioned na maski wala akong talent fee, mabigay lang ang video rights kay KC (Concepcion, ang nag-iisa nilang anak ni Sharon), lahat ng rights kay KC because it’s our legacy. ‘Yun lang ang akin.
“Kaya I told Sharon, walang talent fee, I’m okay with that, ibigay lang natin ‘yun (kay KC),” pahayag ni Gabby.