SA NAKARAANG PRESS conference ng Star Cinema Productions para sa pelikulang pinagsasamahan nina Jericho Rosales, KC Concepcion at ama nitong si Gabby, ang I’ll Be There, ilang natirang reporters na uminterbyu sa huli ang diumano’y masasabing nakairitahan nito.
Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, hindi nagustuhan ni Gabo ang pag-usisa sa kanya at pagturol sa pangalang Sara Aldana sa nasabing interbyuhan.
Ang nasabi nga lang daw ni Gabo, na hindi naitago ang pagkainis sa biglaang pagpapasok ng nasabing tanong eh, hindi na dapat na itinatanong sa kanya ang mga ganoong bagay sa nasabing pagkakataon.
Ang punto naman siguro rito ng aktor – yes, let’s give him the benefit of the doubt – eh, respeto na rin lang siguro dahil ang kasama nga niya sa nasabing press conference eh, ang anak niyang si KC. Or, puwede namang nausisa na lang siguro sa kanya ang nasabing bagay na hindi naman ganoong kalantad. Kung meron man itong dapat na linawin sa paglabas ng nasabing pangalan – na apparently eh, parang inili-link sa kanya – eh, p’wede nga naman sigurong sa ibang pagkakataon na lang pag-usapan o uriratin.
Pero gustong patotohanan ng nagtanong kay Gabby about it, na there’s a ring of truth sa pag-uugnay ng nasabing pangalan sa aktor.
SA GANANG AMIN, mukhang mali nga ang timing ng paglabas ng nasabing pag-usisa kay Gabby about the said name. Kasi nga, nasa promo period na sila ng kanyang anak sa inaantabayanang pagsasama nila sa pelikula. At mukhang wala nga sa tono kung dito sa paglabas ng pangalang ito pa mauwi ang usapan sa kanila.
Sa nasabing presscon nga, nabanggit na ni KC na magsasama-sama sila, pati na ng Megastar na si Sharon (Cuneta) sa programa nito, kaya nga nakapagbitaw pa ng biro si KC na dapat na maghanda ng ambulansiya sa nasabing taping para sa kanya, dahil baka hindi niya kayanin ang pressure ng pagsasama-sama nila ng kanyang parents sa harap ng camera sa kauna-unahang pagkakataon after a very long time!
At sa bagay na ito naman natin hahangaan si Kristina Cassandra. Bago pa man sumapit ang taping para sa nasabing pagtatagpo nilang tatlo sa harap ng camera, diumano’y humingi ng prayers sa kanyang pastor ang dalaga. At talagang nagpa-pray over daw ito para nga maging smooth ang takbo ng kanilang pag-uusap-usap at pagsasama-sama sa harap ng camera.
Kumbaga, Divine Intervention na ang hiniling ng dalaga para ang matagal na rin naman nitong inaasam sa kaibuturan ng kanyang puso eh, mangyari sa isang maayos at naaayon na paraan.
Hindi ba ang gandang malaman na sa ganitong bagay, isinasangguni ni KC ang isang pangyayari sa Maykapal?
Kaya bakit kailangang sirain ‘yun?
PARA NAMAN SA aktor na si Jericho Rosales, ang sinabi nitong pagharap niya sa maraming changes ngayon sa buhay niya eh, isa-isa na ngang nagaganap.
Hindi man tahasang inaamin ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya, kahit na may mga indications na kung sino ang masuwerteng dilag, simple lang ang banat ng aktor kapag inuusisa na siya tungkol kay Cesca Litton.
Na he’s taking it one day at a time.
What he always looks forward to eh, ang bonding moments nila ng kanyang anak na si Santino.
Isang tanong kay Echo sa nasabing presscon eh, kung bakit parang hindi sila p’wedeng ma-link sa isa’t isa ng leading lady pa mandin niya sa pelikulang si KC.
“Kasi, pamilya na kami ni KC. I admire a lot of things about her. We hit it off sa maraming bagay na common sa aming dalawa. But at the end of the day, alam namin na we’re just enjoying each other’s company. Na I will always be her Kuya. Na I’ll be here to take care of her no matter what.”
Promo?
“Hindi naman. Pero, we know naman what’s happening. And hanggang du’n na lang ang p’wede kong sabihin.”
And Echo’s even enjoying the best of both worlds, in his being an actor and a recording star. On June 25 and 26, magpe-perform siya in Cache Creek in California, USA. Uuwian kaya ako ni Echo ng Ghirardelli chocolates? May pinatikim siya kasi sa aking chocolates from France – L’Aduree!
The Pillar
by Pilar Mateo