BIGGEST BREAK para kay Gabby Eigenmann ang afternoon prime drama series na Dading ng GMA-7. Isang bading ang papel na gagampanan niya rito with Glaiza de Castro. Hindi na bago sa binata ang ganitong klaseng role. Maging ang amang si Mark Gil ay gumanap na ring bakla sa pelikula pati na rin ang uncle niyang si Michael de Mesa. Nilalaro lang nila ang character ng isang gay na very effetive sa madlang pipol. Kung hindi mo nga kilalang mga babaero ang mga ito, pagkakamalan mo silang tunay na gay.
Matagal nang artista si Gabby pero hindi napapansin ang galing niya sa pag-arte. Puro supporting role kadalasan ang nagiging papel niya sa mga show ng Kapuso Network. This time, patutunayan nito ang galing niya sa pag-arte. Mamahalin at kaaawaan natin si Gabby bilang si Dading sa series na ito ng Siyete.
Sinabi ni Gabby pinag-aralan niyang mabuti ang character na kanyang ipo-portray bilang gay. Kailangan daw maramdaman ng viewing public ang pagiging bakla niya para maging epektib ang performance nito as an actor. Pinanood ng actor ang mga pelikula nina Mark, Michael, Rez Cortez, Tirso Cruz III, at Bembol Roco na pawang bakla ang kani-kanilang role na ginampanan.
Sa totoo lang, sobrang thankful si Gabby sa GMA-7 dahil sa kanya napunta ang project na ito. Hindi raw niya bibiguin ang tiwalang ibinigay sa kanya ng network. Timing naman dahil hindi siya busy, makapagko-concentrate siyang mabuti sa kanyang character.
Sa teaser pa lang ng Dading, nakae-excite na itong panoorin. Abangan natin ang mga kadramahang magaganap sa buhay ng isang bading. Maging makatotohanan kaya ang pagganap ni Gabby sa seryeng ito bilang beki? Ito ang ating alamin, simula June 23.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield