KAHIT NAGBIBIDA na sa mga palabas like Dading na isa sa sinusubaybayang serye sa Kapuso Network, willing pa rin daw maging support ang mahusay na actor na si Gabby Eigenmann.
Ayon nga kay Gabby, wala naman daw ‘yan sa laki ng role. Kahit daw maliit lang ang role na ibinigay as long as magagampaman ng buong husay at mapapansin, isang magandang achievement na iyon.
Kaya naman daw, if bibigyan siya ng proyekto, mapa-lead man o support, okey lang sa kanya. Ang mahalaga raw, may trabaho siya at hindi nababakante.
Willing pa rin daw gumanap na bading si Gabby sa kanyang mga next project lalo na’t positibo at maraming humanga sa kanyang acting bilang bading sa Dading. Pero if ever daw na tatanggap siya ulit ng bading role, gusto niyang ibang character ng pagiging bading ang kanyang gagampaman, like bading na serial killer na sa tingin niya ay very challenging.
Benjamin de Guzman, paluluhain ang mga manonood sa MMK
ISA NA namang nakaaantig-damdaming istorya ang ihahatid ng MMK na talaga namang magbibigay ng aral at pag-asa sa mga manonood na mapapanood ngayong Oct. 4, 2014, Sabado.
Bibigyang-buhay ni Benjamin de Guzman si Joshua kasama si Louise Abuel na umalis sa Antique sa edad na anim taglay ang pangarap na magkaroon ng mabuting buhay. Ngunit matapos malungkot sa ilalim ng pangangalaga ng istriktong tiya, lumayas si Joshua at piniling mabuhay mag-isa. Mula noon, naranasan niya ang lupit nang mamuhay sa mga kalye sa Antipolo.
Paano nagawa ni Joshua na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan? Bahagi rin ng upcoming episode sina Aiko Melendez, John Arcilla, Odette Khan, Shamaine Centenera, Glenda Garcia, Boboy Garovillo, Jed Montero, Emman Vera, Marithez Samson, Kyle Banzon, Gerald Pesigan, Winryll Banaag, John Vincent Servilla, at Brace Arquiza.
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Miss Earth Air 2012, nag-birthday sa Correctional
HINDI NAIWASANG lumuha last October 1, 2014 (Wednesday) dahil sa labis na kasiyahan sa kanyang charity work para sa kanyang birthday celebratoon ang Miss Earth Air 2012 at ang pinakabagong mukha ng New Placenta na si Ms. Stephany Stefanowitz na ginanap sa Correctional Institution for Women saNueve de Pebrero St., Mandaluyong, na hatid ng Psalmstre makers of New Placenta, New Placenta for Man, Olive C, atbp.
Tsika nga ni Stephany, naging emotional daw siya dahil matagal na niyang pinaplanong magkaroon ng charity work para sa kanyang kaarawan kaya naman daw kinausap niya ang President/CEO ng Psalmstre na si Sir Jaime Acosta tungkol dito at nag-agree naman na tutulungan siya.
Kaya naman daw nang sabihin sa kanya ni Sir Jim na sa Correctional na niya i-celebrate ay nag-okey kaagad si Stephany. Kaya naman daw nang nandu’n na siya, hindi na raw nito naiwasang maiyak pa sa sobra-sobrang kasiyahan.
Dumalo rin at nagbigay-suporta ang Sir Jaime, New Placenta for Man model na si June Macasaet, Mr. Olive C 2012 winner at Star Magic Talent na si Jon Locas, Walang Tulugan With The Master Showman mainstay Goodvibes, host/comedian Shalala at ang naggagandahang kandidata ng Miss Global Philippines 2014.
Nangako si Stephany na every year sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, bibisita siya sa Correctional para magselebra kasama ng inmates. Ito na rin daw ang paraan ni Stephany para ibalik ang pasasalamat sa dami ng blessings na dumarating sa kanya.
John’s Point
by John Fontanilla