SA EDAD na 37, ang daming responsibilidad ni Gabby Eigenmann bilang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid.
Mula nang namatay ang ama na si Mark Gil, siya na ang “Big Kuya” nina Andi at ng ibang mga kapatid na nakababata sa kanya. In short, siya ang may kargo sa mga kapatid.
Sa katunayan, he celebrated his birthday asalto with a dinner in Baguio City. Natuwa si Gabby dahil sa effort ng kapatid niyang si Andi who went to the Pines City just to be with him sa pagsalubong ng kanyang kaarawan.
“She was there. I invited my family for dinner at umakyat siya sa Baguio with her daughter,” pagbabalita ng Kapuso aktor.
Suwerte ni Gabby ang taong 2014, kung saan nabigyan siya ng pagkakataon na magbida sa sarili niyang teleserye noon, ang Dading, where he played a bading na mapagmahal na tatay-tatayan ng anak sa pagkadalaga ni Glaiza de Castro. This year, muli ay magkakaroon na naman siya ng solo serye sa GMA na magsisimula supposed to be sa darating na Sunday, pero biglaang nabago ang schedule, at ayon sa mga taga-GMA Corporate Communications, sa April na diumano ito magsisimula.
Sa bago niyang seryeng InstaDad, he plays father sa mga teenager na mga anak niya (tulad sa totoong buhay na kasing edad ng mga anak-anakan niya sa serye ang real life daughters niya) played by Kapuso Network’s new teen stars.
“I’m lucky dahil hindi ako nababakante. Naaalagaan ako ng GMA,” kuwento niya.
Sa nightly show ni Dingdong Dantes (as Father Kokoy) na Pari Koy (after 24 Oras), he plays a corrupt barangay captain sa parokya ni Father Kokoy na involved sa mga illegal na gawain na magiging problema ng parokya ni Father Kokoy, habang sa InstaDad, model father naman siya ng tatlong mga anak niya na mga dalaga played by Jazz Ocampo, Ash Ortega, and Gabbi Garcia.
Reyted K
By RK VillaCorta