HINDI NA bago para kay Gabby Eigenmann ang gumanap bilang isang bading pero first time niyang mag-portray ng full length na gay role sa isang soap. Ito ay sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Dading.
“Kumpara sa mga naunang gay roles na nagampanan ko, ito kasi mas may puso at mas makatotohanan,” aniya nga.
“Kahit hindi ako gay in real life. It’s easy to… kahit magpitik-pitik ako na parang kahit physical aspect ng pagiging bading, madali lang, e. Pero ‘yong emosyon ang mahirap. So, the good thing about it is maraming tumutulong. Maraming sumusuporta how I project being a gay guy.”
May mga anak na si Gabby. At wala naman daw negatibong reaksiyon ang mga ito kaugnay ng pagganap niya bilang Dading o daddy na bading.
“Okey naman. Actually natutuwa sila no’ng una na… o, at least hindi ka na kontrabida. Hindi ka na bad. But you’re gay. Gano’n. ‘Yong twelve at ten year old na anak ko ang nagsabi no’n. Isang babae, tatlong lalaki ang anak ko.
“In-explain ko naman. Sabi ko… you know it’s just a show, it’s just a job. And they believe in the craft… what I do. Kasi alam nilang artista, so alam nilang… it’s always pretend, kumbaga. Luckily, nasa school naman sila. So, hindi nila mapapanood!” natawang sabi pa ng aktor.
“Pero they know and they’re aware of it. Hindi naman ako kinakabahan na eventually they might see it. Okey lang. Confident naman ako sa kanila, e.”
Maganda naman ang feedback sa kanyang acting sa Dading. Napaka-natural daw at talagang convincing.
“Thank you! ‘Yon naman ang lagi kong sinasabi, e. I never really dreamed big. Hindi ko naman hinangad na maging superstar. Hindi ko naman hinangad na maging sikat na sikat. I just… this is a profession. For me this is a job. So, I just do the best that I can. And kumbaga, just go with the flow kung saan man ako dalhin ng tadhana.”
Matagal din bago siya nabigyan ng soap na siya ang title role. Kaya nga raw labis ang kanyang pasasalamat sa Kapuso Network.
“Pero never akong naging impatient na… bakit ang tagal? Kasi sabi ko nga, hindi ko naman hinangad na magkaroon ng solong project o maging lead. Hindi, e. Kung anuman ang narating ko ngayon is hardwork. Hardwork talaga. Patience and hardwork.”
Sa pag-portay niya bilang Dading, ano ang paghahandang ginawa niya at sino ang kanyang naging peg?
“Hindi naman ako nahirapan do’n. Kasi I have friends who are gays. Sa mga tao sa opisina namin, may mga gays din.”
Sa kanilang mga aktor mula sa Pamilya Eigenmann, ang pinsan niyang si Geoff Eigenman na lang ang hindi pa nakapagpo-portray ng gay role.
“Oo!” sabay ngiti ulit ni Gabby. “And that would be fun! If ever he gets to do a project na bading siya… that would be fun. Kasi pretty boy, e. Guwapo talaga, e.”
Natutuwa nga raw siya sa director nilang si Ricky Davao dahil hands on ito sa kanya.
“He would always remind me na… o, parang nagiging lalaki ka ulit! ‘Yong gano’n? It’s hard, e. Ang hirap ng transition kasi. Kapag sinabi mong… 5 4 3 2, action!
“Pero lately, I’m getting a kick out of it. Kumbaga pagdating pa lang sa set, iba na ang mindset ko. So, kapag nag-cut, kahit i-try kong maging normal… may mga hindi ko pa rin nabibitawan! Hahaha! Pero hindi ko naman nadadala pag-uwi ko ng bahay. Iyon ang ikinakatakot ko noong una.”
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan