MAY MGA nagbibiro kay Gabby Eigenman na nagiging icon na siya ng mga bading ngayon. Ito ay dahil sa convincing performance niya bilang bading na tatay sa afternoon series ng GMA na Dading.
“Kaloka! Pressure lalo ‘yon!” natawang pabaklang reaksiyon ni Gabby. “Pero masaya naman kami. Kasi iyon naman talaga ang gusto naming i-achieve sa soap namin, e. Na maging makatotohanan. At lumabas lahat ng mga tunay na dading (daddy na bading) talaga.
“And it’s true na we really receive very good comments and mga feedbacks nga na… natutuwa sila sa takbo ng story ng Dading. ‘Yong iba nga sinasabi na nabibigyan sila ng guidance habang pinanonood ‘yong show. Yes. And iyon naman talaga ang goal namin. To make them come out na… it’s okay to be a gay parent, ‘di ba? Okey na siya. Lalo at tanggap na sa society natin.”
Hindi na bago kay Gabby ang pagganap bilang isang gay. Marami na siyang bading na roles na nagampanan before.
“Pero itong sa Dading kasi, first time na full length, e. Na buong soap kong gagawin ito. It’s something new talaga kasi for me. Panghilamos ito, e… as an artist. Kasi most of the roles that I’ve done puro kontrabida. Tapos father roles na… medyo grey. Ito, panghilamos ito para maiba naman. And sa akin kasi… trabaho lang naman, e. I’m just doing my job as an actor. Kung may mga sumunod pang offer na gay roles, okey lang. For me it’s just work.”
Dati, aminado si Gabby na hirap siyang hubarin kaagad ang karakter niya bilang dading.
“Ngayon, ayokong sabihin na mas komportable na ako. Pero yes, I get the kick out of it. Kumbaga, minsan kapag tapos na kami sa taping ay umuuwi ako sa bahay, minsan nadadala ko pa rin, e. Pero I think it’s normal. And at the end of the day, mas comfortable ako. Kasi very delicate ‘yong character ni Carding, e.
“Sabi ko nga dati, madali lang magpilantik at pumitik na bading ka. Pero physical aspects lang ‘yon, e. ‘Yong emosyon. Kung paano ang execution. Kung ganito ba talaga ang pakiramdam nila kapag nasasaktan. So, iyon ang medyo inaral ko talaga na mabuti.”
At marami naman ang nagsasabing convincing ang kanyang pagganap.
“Sana!” sabay ngiti ni Gabby. “Meron nga akong experience recently. Nasa mall ako, akala talaga no’ng mga taong kahalubilo ko roon… bading ako, e. Tiningnan ko ang suot ko… nakaka-distract ba? Panlalaki naman ang suot ko. Pero siguro they would…. Ay, bakla ka na po ba talaga? Ganyan-ganyan. Lumadlad ka na ba? May mga gano’n. So, I take it as a positive ano… compliment. Kasi nga, nagiging effective siguro. Baka sa kanila, tama nga ‘yong execution ko sa pagiging bading.”
Mas okey ba sa kanya na hindi ito napapanood ng kanyang mga anak dahil may pasok nga sa school ng mga ito kapag umeere ang Dading sa hapon?
“Hindi naman sa mas okey. Pero nagkataon nga na may mga pasok sila kaya hindi nila ito napapanood. Pero there was one time na… ‘yon nga no’ng binagyo tayo (of typhoon Glenda), nagkaroon sila ng opportunity to watch it. Siyempre walang pasok. Nakapanood sila ng mga episode. Lahat sila… hindi naman shocked. Pero ‘yong reaksiyon nila na… we can’t believe you’re gay but it’s okay because you’re not a kontrabida. Do’n sila medyo worried kapag kontrabida ako. Kasi feeling nila kapag umuuwi ako sa bahay… kapag nagagalit ako, iyon ang nakikita nila sa TV, e. Pero sabi ko… e discipline lang ‘yan. Pero itong role ko ngayon sa Dading, feeling nila mas mabait ako. Mas malambing ako. Hindi ko na kailangang mag-explain. Matatalino naman ‘yong mga bata, e.”
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan