Gagong PSC at tawag ni col. Olay

MASAYA ANG HALOS lahat ng Pilipino sa buong mundo sa ipinamalas na galing ng ating mga mananagwan.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang Philippine Dragon Boat Federation na kamakailan lamang ay nag-uwi ng limang gintong medalya sa isang international na torneo.

Ang mga Pinoy sa Amerika ay nag-ambag-ambag para maibili sila ng mga kagamitan na makatutulong sa kanila sa nasabing lara-ngan.

Maging ang ating mga kongresista ay nagbigay ng tig-limang libong piso bilang “pakunsuwelo” sa nasabing manlalaro. Tumpak lamang ‘yan parekoy, bilang pagkilala man lang sa kanilang kabayanihan, kung saan, sa buong mundo ay kinilala ang bansang Pilipinas bilang pinakamagaling sa nasabing larangan. At ano naman ang ibinigay sa kanila ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee?

Ang pabuya nila, parekoy, ay panlalait! P’we! Wala na ngang ibinigay na pabuya, hindi na nga pinuri, hindi na nga kinilala ng mga halimaw na taga-PSC at POC ay nilait pa ng mga halimaw na ito ang mga miyembro ng Philippine Dragon Boat Federation. Na kesyo matatanda na, mahihina na at gumagamit pa raw ng enhancing drugs!

Sila, parekoy, d’yan sa PSC at POC ang dapat na sibakin ni P-Noy dahil gusto pa yata ng mga halimaw na ito na i-protesta ang pagkapanalo natin ng limang medalyang ginto. Samantalang puro lang naman iringan at kulimbatan ang alam nila sa nasabing ahensiya.

P’we kayo!!!

 

TUMUNOG ANG AKING telepono, nang sagutin ko, parekoy, ay nagpakilala ang nasa kabilang linya na siya raw si Col. Olay. Galit na galit siya dahil hindi raw totoo ang ating mga isinulat laban sa kanya.

Naalala ko bigla ang aking kolum tungkol sa collection sa mga paihi at paputok kung saan ang mga inoorbitan ay obligadong magbigay ng “weekly” kung ayaw nilang ratsadahin ang kanilang iligal na gawain. Sa totoo lang parekoy, sa kaunting oras na aming pag-uusap ay naniwala ako na hindi si Col. Olay ang aking kausap. Bakit? Kasi mas itinuon niya ang usapan na hindi raw totoo na bagman si P03 Bugar. Na ang nasabing pulis daw (P03 Bugar) ay mahusay at tapat sa serbisyo.

In-short, nagduda tayo, parekoy, na si P03 Bugar ang tumawag sa atin at nagpakilalang si Col. Olay. Kaya nga tinatawagan natin ang pansin ng tunay na Col. Olay, kung sa akin pa nga lang ay kaya nang bitbitin nitong lintek na P03 Bugar ang iyong pangalan, du’n pa kaya sa mga iligalista?

Dapat maagapan mo Col. Olay ang tauhan mong ito, baka isang araw ay sa mismong tanggapan na ni PNP Chief ito magpakilalang siya si Col. Olay! Ehek!

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleMagkano ang dapat ipadala sa pamilya?
Next articleIdol ng apo ko si de Lima

No posts to display