TRENDING NGAYON sa social media ang ating mga kapwa Pinoy na sumali sa Asia’s Got Talent, ang unang regional version ng Got Talent na ineere sa AXN Asia. Ang Asia’s Got Talent ay isang talent show na maaari nilang ipakita ang kanilang mga talento sa pagsasayaw, pagkanta, pagma-magic, pagpapatawa, at iba pang mga performance.
Ang mga kalahok dito ay galing sa iba’t ibang bansa, mga higit na 15-20 bansa ang nako-cover ng Asia’s Got Talent at ang tatanghaling manalo ay mag-uuwi ng US $100,000 at ang opportunity na makapag-perform sa Marina Bay Sands sa Singapore.
Ang Asia’s Got Talent ay nagsimulang umere sa AXN Asia nu’ng March 12, 2015 hosted by Marc Nelson na naging host din ng Sports Unlimited at Rovilson Fernandez na isang editor ng Maxim Men’s Magazine dito sa ating bansa at host din ng “Ang Pinaka” sa isang network. Ang mga kalahok ay dadaan sa mga bigating judges na sina David Foster, ang kilalang musican, songwriter, composer, record producer ng mga sikat na artist tulad nina Christina Aguilera, Jennifer Lopez, Whitney Houston, at iba pa at siya rin ay nanalo ng 16 Grammy Awards from 47 nominations. Van Ness Wu, isang actor, singer, at isa sa mga F4 sa palabas na Meteor Garden na pumatok dito sa ating bansa. Anggun, isang sikat na singer from Indonesia at kilala rin sa kanyang international breakthrough noong 1997 with “Snow on the Sahara” na ni-release sa mahigit 33 countries worldwide. At si Melanie Chisholm o Melanie C., ang UK Pop Sensation at isa sa member ng sumikat na group na Spice Girls bilang Sporty Spice.
Napamangha ang mga judges sa mga ipinakitang performance ng ating mga kababayan kung saan ang dalawang Golden Buzzer na pasok na agad sa Semifinals ay mula sa ating bansa, Ang El Gamma Penumbra na nakakuha ng golden buzzer mula kay Anggun dahil sa ipinakita nilang Shadow Play at si Gerphil Flores na nakakuha ng golden buzzer naman mula kay David Foster dahil sa kanyang galing sa pagkanta ng Opera. Ang dalawa ay sumali rin sa Pilipinas Got Talent.
Pasok din sa semifinals ang 10 year old kid na si Gwyneth Dorado na kumanta ng hit music ni Katy Perry na Roar at pasok din ang The Velasco Brothers dahil sa galing nila sa acrobatics. Ang Velasco Brothers ay sumali din sa unang season ng Pilipinas Got Talent. Maraming Pinoy din ang sumali at nagpakita ng galing ng Pinoy tulad ng Singing duo na sina Rodfill at Fe na kumanta ng Total Eclipse of the Heart. Ang Singing Trio na Miss Tres na kumanta ng Sex Bomb kung saan naaliw ang mga judges sa pasabog ng trio, ang batang singer naman na si Angelico Claridad, ang nagpakita ng galing sa pag-beatbox na si Neil Rey Llanesn, ang mga Dance Troupe na Junior New System at D’ Intensity Breakers na bumilib ang mga judges sa galing nilang pagsayaw at mga stunts, at iba pa.
Nakapa-proud talagang maging Pilipino dahil tayong mga Pinoy ay tunay na talented kaya sa ating mga kababayan na sumali sa Asia’s Got Talent at mga magpapatuloy sa Semifinals, congrats sa inyo at ang buong Pilipinas ay susuportahan kayo.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo