Ganap nang aktres: Sarah Lahbati, nagpaandar sa ‘Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz’!

Sarah Lahbati

FIRST TIME kong napanood si Sarah Lahbati na umarte.

            Noong dalaga pa lang siya sa kuwadra ng GMA Network, never ko yata siyang napanood sa kaht isang show.

Noong mabuntis ito sa kanyang partner na si Richard Gutierrez ay doon ko lamang siya napansin.

Sabi ko sa sarili ko, sayang. May future si bagets at bakit naman nagpabuntis gayong ang ganda niya at seksi na may malaki ang future sa showbiz?

Sa katunayan, ayaw na niya pag-usapan ang mga kaganapan ng career niya sa showbiz 4 years ago.
 
Ayaw na rin ni Sarah pag-usapan kung anuman naging problema sa kanya na umabot pa sa demandahan dahil sa “breach of contract” niya sa GMA-Kapuso Network noon.
 

Nang matsismis na buntis siya, madami ang naghinayang. Sayang ang future sa showbiz, the fact na super promising siya kung ang pagbabasehan ay ang magandang mukha at seksing pangangatawan.

Sa ganun ko lang nakilala si Sarah.

Hindi ko alam na marunong siyang umarte. Hindi ko alam na may ibubuga ito not until mapanood ko ang launching movie niya last Monday na “Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz”, na isang horror movie about possession na dinirek ni Katski Flores. Mapapanood na rin ng publiko sa regular screening ang pelikula simula sa June 28 (Thursday) sa mga sinehan nationwide.
 
Sarah Lahbati with Erik Matti and Katski Flores, directors of ‘Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz’

Mahilig ako sa horror films. Kahit katsipang zombie movies (kahit Rated B) ay pinapatulan ko at hindi nagwo-walk-out. Ibig sabihin nito, oks ang pelikula. Maging ang acting nina Shy Carlos (as Leah dela Cruz) at Julian Trono ay napansin ko.

After ng pelikula ay nabanggit ko kay Allan Diones na magaling pala si Sarah umarte. Mabilis  niyang sagot sa statement ko: “‘Oo naman teh. Magaling siya,” sabi ng isa sa mga movie addicts na taga-Abante Tonight na tabloid.

 
Kung maaalagaan lang ng Viva Artist Agency (na nagha-handle sa career ni Sarah), malayo ang mararating niya bilang isang aktres.
 

Kung bibigyan lang siya ng mga magaganda at matitinong mga projects ng Viva Films, she’ll go places sa showbiz.

Sa ngayon ay wala pang offer ang Kapamilya Network for Sarah to be part of a teleserye. Pag nabigyan siya ng pagkakataon, may kalaban na ang mga establisadong artista ng ABS-CBN.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMukhang pinabayaan ang sarili: Piolo Pascual, may malaking problema?
Next articleBlind Item: Reality TV show graduate, buhay reyna sa piling ng pulitiko!

No posts to display