Hindi na mapigil sa pag-arangkada ang 8 TriMedia Broadcasting Netwrok dahil kabahagi na rin ng naturang network ang mga batikang mamamahayag na sina Gani Oro, Samuel “Sir Tsip” Pagdilao, Jimmy Morato, at Neil Ocampo.
Mula sa pinanggalingang DZMM, CNN Philippines, at TV5, kasama na rin sa hanay ng mga nirerespeto at seasoned anchors ng 8 TriMedia si Gani Oro. Mapakikinggan at mapanonood ang kaniyang programang “Oro Mismo” mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.
Ang former actor naman na si Jimmy Morato na ngayon ay isa nang batikang mamamahayag sa radyo na naglingkod nang lampas dalawang dekada sa DWIZ ay kapamilya na rin ng 8 TriMedia. Sumasahimpapawid naman ang kaniyang programang “ Chachahin Mo Baby” araw-araw tuwing ika-4 hanggang ika-lima ng hapon.
Ang tinagurian “Sir Tsip” ng himpapawid na si General Samuel Pagdilao ay ume-ere naman ang kaniyang programa sa mga araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 5 p.m to 6 p.m. Nakilala bilang may mataas na katungkulan sa PNP at AFP, ngayon ay isa nang mapagkatitiwalaan at maaasahang mamamahayag sa radyo at telebisyon.
Samantalang ang batikang tagapagbalita at radio anchor na si Neil Ocampo na nagsilbi nang maraming taon sa DZMM ay nasa 8 TriMedia na rin. Simula Lunes, November 7, ay aarangkada na ang kaniyang programang “Todo Arangkada” mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.
Ang kanilang mga program ay sabayang napakikinggan sa DZRJ 810 AM, CableLink Channel 7, at live streaming sa www.8trimedia.com.
Hindi na talaga papipigil at hindi na paaawat sa patuloy na tagumpay ang 8 TriMedia Broadcasting Network. Katunayan nito, nasa Top 10 na ng mga pinakikinggang istasyon ang DZRJ 810 AM na partner ng naturang network.