NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Reklamo ko lang po ang mga traffic enforcer dito sa Angono Public Market lalo na po sa tapat ng Savemore. Grabe na po ang pangongotong na ginagawa nila. Iyong mga driver po ng jeep kailangan obligadong mag-abot sa kanila. Garapalan pong masyado ang ginagawa nila, araw-araw ay ganito ang sistema nila. Halimbawa na lang po ay may hinuhuli sila, lalapit po kaagad ang dalawang enforcer at pagkakuha ng lisensiya ay sasabihin nilang ihatid muna ang pasahero at saka sila balikan at ihanda ang pera.
- Reklamo ko lang po ang garapal na pangongotong sa mga trailer truck driver ng mga traffic enforcer ng Malabon at pulis na nasa mobile na may plate number ASA 5458 along C-4 Road.
- Sumbong ko lang po ang Ramon Avanceña High School dahil naniningil po n P250.00 para sa costume at P10.00 per day para sa magtuturo ng sayaw. Kapag hindi raw kasali ang mga bata ay wala raw grade.
- Concern ko lang po ang kawalan ng ilaw sa highway rito sa may Aup Road, Tagaytay. Ang dilim po at walang kailaw-ilaw kaya maraming banggaan sa lugar na ito.
- Hihingi lang po kami ng tulong dahil iyong kalsada namin ay ginagawang paradahan ng mga truck ng chairman namin kaya iyong mga tao ay nasa kalsada na naglalakad, lalo na po ang mga bata. Dito po ito sa Brgy. 576 Zone 56 sa Domingo Santiago, Sampaloc, Manila.
- Problema po rito sa San Roque National High School sa Antipolo City ang bayarin sa school katulad ng sa guard, journal, PTA projects, at mga film showing na kamamahal. Pakitawagan naman po ang eskuwelahan na ito. Salamat.
- Ipaaabot ko lang po sa inyo ang aming sumbong na nangongolekta ng tig-P200.00 kada estudyante para raw sa project dito sa Yati Elementary School sa Liloan, Cebu.
- Gusto ko lang pong ipaabot ang problema dito sa Purok Angela sa Brgy. Dela Paz dahil ang kalsada ay ginagawa pong tambakan ng mga sasakyan maliban pa sa mga nagdo-double parking.
- Reklamo ko lang po iyong mga nanghihingi ng barya na nanghaharang diyan sa may Dimasalang Road. Kapag hindi ka nagbigay ay nanakawin iyong mga gamit sa truck at dinidistrungka po ang mga padlock. Wala naman pong pakialam ang barangay at mga pulis na nasa paligid.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo