KAHAPON, AUGUST 2, ay 31st birthday ni Dingdong Dantes. As of press time, walang magarbong birthday party ang idinaos for Dong, kundi family dinner lang ang unang plano, unless mabago ito as we go to press.
Nakakatuwa ang DongYan fans na nagmamahal kay Dingdong dahil ngayong 31 years old na si Dong, 31 Holy Masses naman ang kanilang in-arrange in 31 different churches sa buong Metro Manila.
Kung hindi pa naman pagpapakita ‘yan ng tunay na pagmamahal sa kanilang idolo sa kaarawan nito, eh ewan na lang namin.
Imagine na mag-effort ang buong grupo nila to go to these 31 churches upang magpa-isked ng misa para sa blessings for their idol on his birthday?
Grabeng magpakita ng love ang fans ni Dong and of course, ang mahal rin nilang si Marian Rivera, na tuwang-tuwa naman dahil patuloy ang paghataw ng Amaya sa ratings at nananatiling isa sa highest-rating primetime shows ng Kapuso Network.
Speaking of Amaya, we wish na ang isa sa cast nito na si Gardo Versoza ay gumaling na sa kanyang typhoid fever, na balitang lumalala na sa ngayon.
Si Dingdong nga pala’y kasalukuyang nagsu-shooting ng The Aswang Chronicles, isang comedy-adventure-horror flick with Lovi Poe, Joey Marquez, Roi Vinzon, under Direk Erik Matti kung saan co-producer rin si Dingdong.
Again, belated happy birthday, Dingdong!
GRABE ANG PAGDUMOG sa superstar na si Nora Aunor sa pagdating nito sa bansa kahapon. As in pinagkaguluhan ang Superstar sa NAIA, ke-sehodang 3-4 am ‘yun, huh!
Bandang after midnight pa lang ay nandoon na ang fans ng aktres.
Ayon sa isang saksi, ang GANAP (Grand Alliance for Nora Aunor Philippines) fans club ay kumanta pa ng Pearly Shell na isa sa mga signature songs ni Ate Guy noong starting pa lang ito as a singer, habang arriving na nga siya sa NAIA Centennial Terminal 2.
Ganoon katindi ang pagkasabik ng fans ni Nora sa walong taon niyang pamamalagi sa Amerika, and here she is now nga sa bansa upang gumawa ng isang mini-series sa TV5 na ididirek ng isa sa paborito niyang direktor na si Mario O’Hara.
Heard na “super worth it” ang talent fee of Nora ang kinaya ng Kapatid Network, na handang gumastos para sa mga tunay na talento like that of Nora Aunor.
Remember na malaking share nga ang binayad ni Mr. Manny V. Pangilinan, TV5 bossing, sa Araneta Coliseum upang mag-share ang Smart doon, right? Feeling namin, TV5 events will be in the Big Dome na.
Anyway, going back to Ate Guy, kumpirmado na ang balitang maggi-guest si Christopher de Leon sa nasabing political drama na mini-series ni Nora sa Singko.
As of press time, kahit na hindi pa niya nababasa ang script ay umoo na agad ito sa offer ng istasyon upang mag-guest sa show ng da-ting asawa, huh!
Tama si Lotlot de Leon sa aming exclusive interview dalawang araw bago duma-ting ang kanyang mommy, na for sure daw, eh “excited” ang daddy Boyet niya – pati na si Tirso Cruz, III – sa pagdating sa bansa ng Superstar.
Of course, it was said by Balot in jest, pero kung meron mang isang tao ang tuwang-tuwa sa pagsasamang ito muli nina Boyet at Nora in one TV project, ito ay walang iba kundi ang panganay nilang anak na si Lotlot!
Nasa TV5 din si Lotlot, bagama’t walang network contract na pi-nirmahan, dahil nasa cast siya ng The Sisters nina Nadine Samonte at Leandro Muñoz.
Kaya ang mag-anak ay mga Kapatid na. Although ang alam namin ay per project ang pini-pirmahan ni Boyet, kaya nu’ng natapos na ang Captain Barbell ng GMA sa ere, ang Singko ang nagwagi sa de-sisyon ni Boyet at manager niyang si Lolit Solis to do his next series.
Ang dinig namin ay isang fantaserye ito, ‘di lang kami sure if this is the same fantaserye na sasamahan rin nina Martin Escudero at Ritz Azul na homegrown talent ng Singko.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro