THE LAST TIME na nakausap namin si Gary Estrada ay sa “last night” ng wake ni Kuya Germs (German Moreno) sa Mt. Carmel Church sa may New Manila. Kasama niya noon ang misis na si Bernadette Allyson.
Mula nang maging aktibo siya bilang lingkod-bayan sa pamamagitan ng pagiging bokal ng lalawigan ng Quezon ay na-focus si Goryo (palayaw at tawag namin sa kanya) sa kanyang public service at gawain sa kanyang mga constituents.
Naka-dalawang termino si Gary sa posisyon niya.
Pero sa latest (pangatlo na sana) ay hindi siya pinalad. Natalo siya sa eleksyon, pero ngayon ay nagiging aktibo na ulit siya sa mundong ginagalawan niya bilang artista.
Sa media launch ng bagong serye ng GMA Kapuso Network na “Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood” (actually hindi bago kundi book 2), ay nagbabalik ang karakter ni Gary as Caloy na older brother ni Dingdong Dantes as Pepe de Jesus na gumaganap bilang “Lawyer of the Poor”.
Masaya si Gary dahil malaki pa rin ang tiwala sa kanya ng istasyon para ipagpatuloy niya ang dating ginagampanan na karakter na serye.
Sa media launch, karay-karay ni Goryo ang bunsong anak na si Gabby na sa tatlo niyang mga dalagita, ito ang mahilig mag-showbiz.
“Sa taping namin kasama ko siya. Hindi naiinip. Gusto daw niya maging artista,” kuwento ng ama.
Yong dalawa? ”They’re not yet interested pero darating din ang time na magiging mahilig din ang mga yan. Ako at mommy nila artista. Syempre, malaki ang impluwensya na nakikita nila Kung ano ang work namin,” kuwento pa niya sa amin.
Sa Monday, August 14 na mapapanood ang “Ang Pagbabalik ni Robinhood” sa primetime ng GMA Kapuso Network.
Reyted K
By RK Villacorta