NOONG HUWEBES, June 26, 2014, muling kinilala ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat nating kababayan na nagsauli ng mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Idinaos ang 20th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance St. corner Sheridan St., Mandaluyong City.
Ang sampung matatapat na driver na pinarangalan ay sina: (1) Dolphy B. Tagalog ng Barkads Taxi, nagsauli ng wallet na naglalaman ng 52,000.00 Myanmar Kyats, 8,020 Indonesian Rupiah, US $2.00, 6.00 Singapore dollars, 15.00 Canadian dollars, bankbook, at mga cards. (2) Jesus C. Osida, isang jeepney driver, nagsauli ng notebook na may cash at card. (3) Noel C. Buraga ng St. Jose Maria Escriva Taxi, nagsauli ng Toshiba laptop at passport. (4) Samuel M. Noot ng Sturdy Taxi, nagsauli ng Sony Xperia cellphone. (5) Victor de Luna ng KCDC Taxi, nagsauli ng Apple iPhone 4s. (6) Joel C. Claridad ng Inviro Taxi, nagsauli ng Huawei Ascend cellphone. (7) Florencio N. Recimo ng Warm Body of Christ Taxi, nagsauli ng Samsung Galaxy S2. (8) Efren Mencede ng Arcade Taxi, nagsauli ng CloudFone 501D. (9) Richard N. Ligas ng Junnels Taxi, nagsauoli ng Blackberry Curve. At (10) Gerardo D. Cadion ng Leydom Taxi, nagsauli ng MyPhone A888.
Shooting Range
Raffy Tulfo