NOONG HUWEBES, October 30, 2014, muling kinilala ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat nating kababayan na nagsauli ng mga mahahalagang gamit na kanilang napulot. Idinaos ang 24th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts., Mandaluyong City.
Ang sampung matatapat na taxi drivers na pinarangalan ay sina: (1) Eric S. De Jose ng Evol Taxi, nagsauli ng bag na naglalaman ng halagang ¥300,000.00, passport atbp. (2) Marlou P. Bentajar ng Anzen Taxi, nagsauli ng wallet na may $556.00, 3,000 Korean Won, Dell laptop, Samsung Galaxy S3, mga damit at passport. (3) Romeo D. Tabirao ng Carl & Chel Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P14,556.00, credit card at IDs. (4) Renato Briñas ng Manabat Taxi, nagsauli ng plastic bag na may lamang P9,120.00. (5) Honesto N. Nuyles ng Anywhere Taxi, nagsauli ng wallet na may lamang P6,065.00. (6) Gabriel P. Cagas Jr. ng DR3B Taxi, nagsauli ng bag na may lamang HP laptop, Samsung tablet at mga dokumento. (7) Rolando A. Dollosa ng Reno Taxi, nagsauli ng iPhone 4 at iPhone 4s. (8) Pascual A. Tabon III ng Oka Taxi, nagsauli ng Sony Xperia cellphone. (9) Rodrigo B. Ostia ng EMP Taxi, nagsauli ng iPhone 4. At (10) Almer G. Dotillos ng Sunshine Taxi, nagsauli ng Samsung Galaxy S2.
Shooting Range
Raffy Tulfo