NOONG HUWEBES, April 30, 2015 muling pinarangalan ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang natagpuan sa pamamagitan ng pagdaos ng 29th Gawad Katapatan na ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.
ANG MGA matatapat na taxi driver na nagsoli ay sina: (1) Roel P. Gabriel ng Care Dan Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P26,025.00, powerbank, Nokia cellphone, ATM cards, at iba pang gamit. (2) Michael A. Marcial ng Western Dream Taxi, nagsoli ng bag na may lamang P6,000.00 us $202.00, 3,100 Yuan, iPhone 5, powebank, passport, IDs, atbp. (3) Romeo I. Arena ng Equinox Taxi, nagsoli ng wallet na may P10,320.00 cash. (4) Wilfredo A. Ranara ng World Taxi, nagsoli ng bag na may P6,000.00, MSI tablet, Cherry mobile cellphone, pocket wifi, charger, atbp. (5) Reynaldo R. Monta ng Xavierville Taxi, nagsoli ng dalawang Samsung Galaxy S6. (6) Francisco P. Cruz ng Six Brothers Taxi, nagsoli ng Apple Macbook na may kasamang mga dokumento. (6) Jaime A. Cervantes ng Charlemagne Taxi, nagsoli ng Asus at Sony Xperia smartphone at powerbank. (7) Larry P. Canoy ng ABC Taxi, nagsoli ng bag na may laptop, passport, seaman’s book, wallet na may lamang P1,000.00, at mga alahas. (8) Ramir C. Bistudio ng Data Coa Taxi, nagsoli ng iPhone 5s. At (10) Marlon L. Badelles ng Kenjefvynsz Transport, nagsoli ng iPad 2.
Shooting Range
Raffy Tulfo