NOONG MIYERKULES, July 29, 2015, ay pinarangalan muli ng programang Wanted Sa Radyo ang sampung matatapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Ang awarding ceremony ng 32nd Gawad Katapatan ay ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City.
Ang sampung awardee ay sina: (1) Erlan B. Antes ng Kabalikat Transport, nagsoli ng maleta na may lamang 48,000 Rupees, passport, atbp. (2) Mary Ann L. Adorable, isang lady guard ng Gervasio and Blueflame Security Agency, nagsoli ng P17,500.00. (3) Richard H. Gabucay ng Rafael 19 Taxi, nagsoli ng wallet na may P5,000.00 at mga IDs. (4) Francisco B. Buan ng Chiyaki Taxi, nagsoli ng iPhone 5S at iPhone 5C. (5) Antonio Yangco Jr. ng Emmanuel Taxi, nagsoli ng iPhone 6+. (6) Crisanto H. Escolano ng Emmanuelito Taxi, nagsoli ng iPhone 6. (7) Edgar B. Untal ng Ryo Aki Taxi, nagsoli ng bag na may lamang Lenovo laptop, charger, at mga dokumento. (8) Bobby T. Garingo ng EMP Taxi, nagsoli ng 2 Samsung S4. (9) Johnard D. Aguinaldo ng EFE Taxi, nagsoli ng Sony Xperia. At (10) Felix S. Juntilo ng Blue Cab Taxi, nagsoli ng bag na may lamang Lenovo laptop.
Shooting Range
Raffy Tulfo