NOONG HUWEBES, August 27, 2015, muling binigyang-pugay ng programang Wanted Sa Radyo ang mga tapat nating kababayan na nagsoli ng pera at mahahalagang bagay na kanilang natagpuan. Ginanap ang awarding ceremony ng 33rd batch ng Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center, Reliance corner Sheridan Streets, Mandaluyong City.
Ang sampung matatapat na nagsoli ay sina: (1) Mark Anthony Dichoso ng City Star Cruise, nagsoli ng shoulder bag na may lamang US$4,601.00, 10 UAE Dirham, 50,000 Saudi Riyal, P24.75, IDs, ATM cards, atbp. (2) Herald V. Agomaa, isang estudyante ng Arellano University, nagsoli ng coin purse na may lamang P20,500.00 at US $10.00. (3) Joselito A. Tolentino ng Safe Taxi, nagsoli ng backpack na naglalaman ng 11,000 Baht, travel documents, Canon DSLR camera, passport, atbp. (4) Fernando E. Labrador ng Merling Transport, nagsoli ng envelope na may lamang P11,000 at OR/CR. (5) Mario Bello ng World Transport, nagsoli ng wallet na may lamang P5,200.00, US$1.00, SG $2.00, HK$20.00, cards at IDs. (6) Reny T. Cuña ng DY4 Transport, nagsoli ng wallet na may lamang P4,500.00, IDs at cards. (7) Ruben C. Laguitan ng Harurot Taxi, nagsoli ng Acer laptop, charger, USB, hard drive, ATM cards, atbp. (8) Jonathan B. Andres ng Purple Taxi, nagsoli ng Dell laptop. (9) Adones S. Caserva ng Rangen Transport, nagsoli ng Asus laptop at mga dokumento. (10) Felixberto O. Tuboro ng Napoli Taxi, nagsoli ng Sony Xperia phablet.
Shooting Range
Raffy Tulfo